[TDS(1)] : ADLS 29

450 14 0
                                    

Chapter 29

HEARTNELLE'S POV

Nasa bus na kami, naiba ang pwesto namin dahil dun umupo si Swirll sa inupuan ni Hearx nung nakaraan. Kaya dun si Hearx sa upuan ko. At dito ako sa upuan ni Swirll nung nakaraan at nandun parin sa dating pwesto si Squall

Yeah nakatabi ko pa tuloy ang Squirrel na to.

Pero ganun parin seryoso parin si Swirll at nakasalpak ngayon ang headphones niya.

"Hindi ko na alam pano kakausapin ang kapatid mo. Nag usap na rin kami kagabi."bulong ko kay Squall

Napabaling naman ang tingin niya sakin.

"Anong sabi?"

"Sabi niya. Hindi na natin mababago ang isip niya."sabi ko

Napabuntong hininga kaming sabay at nag iwas ng tingin hays.

Pano ba?! Pano?! Pano?!

"ARGH! I'LL CURSE YOU TO DEATH! Paulit ulit nalang! 'Pag isipan mo. You're being too selfi----' argh! Nasaulo ko na paulit ulit!"gulat kaming napatinging tatlo sa kanya. At kahit sila Perylle ay nagulat rin.

"Swirll may problema ba?"tanong ko

"Ah wala po ate. Sorry."sabi niya at nanahimik uli

Pansin ko naman ang pagka seryoso rin ng katabi ko.

Not Squall!

Si Hearx!

Ano to?

Pag trip mang asar ni Swirll trip rin mang asar ni Hearx? Tapos pag seryoso si Swirll. Seryoso rin siya?

Ganern?

"Hoy antahimk mo diyan Rairai?"tanong ko

"Masama ba ate?"sabi niya sabay irap

Naandar na yung bus pero biglang tumayo si Swirll at lumipat ng upuan at tumabi kay Pearl.

"Hays. Ayaw niya talaga. Pano na?"tanong ko kay Squall

"I don't know. My sister's too stubborn."sabi niya at bumuntong hininga nanaman

Nakarating na kami sa tapat ng school kung saan kami ibababa ay wala parin kaming naplano ni Squall kung paano mapapapayag si Swirll.

"Una na kami. Bye!"paalam ko kay Squall

Tumango lang siya at pinuntahan na si Swirll.

"Hoy Hearxelle, problema mo?"

Kanina pa kasi tahimik eh.

"Wala! Tara na andiyan daw si kuya sa labas!"sabi niya at dire diretsong lumabas sa bus

Sumunod nalang ako.

Hays kuya Zach.

Nag away nga pala kami.

Nakita ko na ang kotse ni kuya at pasakay na rin dun si Hearx kaya sumunod nalang ako at sa backseat rin sumakay gaya ni Hearx

"How's the photoshoot?"tanong ni kuya

"It's fine. Let's go."sabi ni Hearx at pumikit

Problema ng batang to?

"Lil si--"

Sumenyas ako kay kuya na huminto sa pag sasalita.

Ayoko pa makipag usap.

Naiinis parin ako dahil inaway niya ako ng dahil sa Bea na yun.

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now