[TDS(1)] : ADLS 38

448 19 2
                                    

Chapter 38

HEARTNELLE'S POV

"Girls wag niyo muna patungan ng ulo niyo yung braso ko nangangalay ako okay?"sabi ni Hwayne dun sa dalawang babaeng katabi niya

Jusmeyo marimar tong batang to oh. Kung sino pang pinakabata sa kanilang mag totropa siya pang babaero.

Hindi ko kilala yung dalawang babae basta pag pasok namin dito sa van nandito na yung dalawang yun.

Dito ko nakaupo sa likod ng driver katabi ko si Ali na nakatunganga habang nakasilip sa bintana. Ano nanaman kayang iniisip nito?

Gento pwesto namin sa van.

Driver Hylem
Ali Ako
Hen Ven   Hearx
Athena Ash   Hiro
G1. Hwayne G2. Pearl

May space sa gitna nila Ven at Hearx pati kay Ash at Hiro.

Ibang klase rin kase tong van nila hylem pang big time ang ganda pa ng design sa loob.

"Lem daan tayong supermarket."sigaw ni Hiro dahil nasa may bandang likod na siya

"Ha? Bakit? Bibilhan nating pagkain si Swirll? Akala ko may mga bitbit na kayong pagkain para sa kanya?"

"Hindi! Bibili akong pagkain ko."sabi ni Hiro

"Oo nga bumili muna tayong pagkain nakakagutom."sabi din ni Rai

Takaw.

"A-ate ayos l-lang ba s-sa inyo?"tanong sakin ni Hylem

"Oo naman. Bibili rin naman kami."

---Store---

Nag hiwahiwalay muna kami para bumili ng kanya kanyang pagkain namin.

Magsestay ata hanggang gabi tong mag totropa dun sa ospital eh.

Matagal tagal rin yun 5:07 palang naman.

Matutuwa talaga nito si Swirll.

Kasama ko si Ali mamili ng pagkain pampasalubong kay Swirll. At parang walang nangyari kanina kasi ang hyper nanaman niya.

"Waaah may pang dagdag nanaman ako sa mga babies kooo!"tuwang tuwa na sabi niya habang yakap yakap yung bibilhin niyang medyas 

Meron kasi dito nun eh.

Nako ewan ko ba diyan kay Ali ang hilig hilig sa medyas. Kung makikita niyo lang closet niya napaka organized ng mga medyas niya. Tas yung iba pa nga nilalagay niya sa special box daw niya. Yung mga nandun mga favorite niyang medyas.

"Oo na Ali tara na bumili na tayong pagkain."

Kumuha ako ng saging, apple, mangga at orange para kay Swirll. Tas kumuha rin ako ng mogu mogu. Favorite niya daw kasi yun eh. Tas bumili narin ako ng ice cream syempre cookies and cream ang flavor!

Tas si Ali hindi pagkain pinag kakaabalahang tignan kundi yung iba pang medyas na nakikita niya. Sabagay ang cute naman kasi talaga nung mga design.

Bumalik na kami sa van pagtapos namin mamili. Kumpleto na nga sila dun pagka balik namin. Pano kasi tong si Ali hirap na hirap pumili ng bibilhin niyang medyas. Hindii niya naman mabili lahat ng gusto niya kasi 500 lang daw dala niyang pera ngayong araw. Ako naman wala naring mabigay kasi 500 lang din akin.

"Pasensya na kayo ha eto kasing si Ali eh ang tagal pumili ng medyas na bibilhin."

"Medyas? Para saan yon ate?"tanong ni Hiro

"Malamang sa paa Hiro! San mo gusto isuot yon? Sa ulo? Oh eto try mo dali!"pilosopong sabi ni Ali

Close niya rin tropang H eh.

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now