[TDS(1)] : ADLS 50

478 22 3
                                    

Chapter 50

HEARTNELLE'S POV

"Anak hindi ka na si baby Heartnelle huhuhu. Ito na ang pinaka iniintay mong araw." naluluha luhang sabi ni mama habang nakatingin sakin sa salamin

"Basta ikaw parin ang baby ko kahit anong mangyari anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng mama mo at ng mga kapatid mo para sayo palagi."sabi naman ni papa

"Lil sis wag mong kakalimutan si kuya ah, baka mamaya I'm not your best kuya na ngayong 18 kana."sabi naman ni kuya habang nakasimangot

"Ate ako parin baby bro mo ah! Pag hindi lang eh! Nako mag kalimutan na talaga tayo!"nakasimangot rin si Rai

"NelleSis whatever happens later, don't worry we won't protest. As long as you're happy, okay?"sabi ni ate habang hinahaplos yung buhok ko

Ano daw? Ano namang mangyayari mamaya? Masama ba? Eh debut ko naman kaya hindi naman siguro masama yun? Pero ano kaya? Ano bang sinasabi ni ate? Hahahaha!

"Para naman akong ikakasal! Debut lang po ito debut!"sabi ko at tumawa

"Baby Heartnelle pumasok ka na dito sa walk in closet, dito ka na mag bihis."sabi ni Tita Bella na kakagaling lang sa loob ng walk in closet ng guest room nila Hiro

Nandito na kami sa bahay nila Hiro. Maya maya lang mag iistart na yung debut ko.

Naeexcite ako! Hehehe!

"Sige pumasok ka na dun anak. Lalabas na kami para asikasuhin yung mga nag dadatingan mong bisita."sabi ni mama

Tumango nalang ako tas lumakad na palapit kay tita Bella.

-----FLASHBACK-----

Nandito ako ngayon sa bahay mag isa. Sabado ngayon, bukas na yung debut ko. Kaya sila ate Zachae nandun sa bahay nila Hiro nag dedesign sila. Nandun din halos lahat ng iba kong kaibigan, gusto daw nila tumulong eh.

Ako naman nag paiwan ako sa bahay. Gusto ko kasing mag bake ng cake para sa birthday ko bukas hihihi! Pati pala cream tart!

Hinihintay ko si mama at papa. Sabi kasi nila sila na daw bibili ng lahat ng ingredients na kailangan ko.

*Ding dong*

Sila mama na ata yun! Pero bakit nag doorbell pa sila? Usually kasi hindi na sila nag dodoorbell eh.

Lumabas ako ng bahay at nag lakad papuntang gate.

"Oh! Edward? Anong ginagawa mo dito?"si Edward yung nag doorbell

May bitbit siyang dalawang malalaking paperbag.

"Hindi ba usong pag buksan muna ng gate yung bisita mo?"masungit na sabi niya

Ang sungit talaga niya! Para siyang si Squa--

Ay wala!

Bakit ko ba naalala yun? Hindi nga siya pupunta sa debut ko eh!

"Sorry naman! Nagulat lang!"sabi ko habang binubuksan yung gate

Napansin ko naman yung kotse na naka park sa tapat ng gate namin.
Kanya kaya yun? Parang kagaya kasi ng kotse ni Squirrel.

Teka bakit naalala ko nanaman yung lalaking yon?!

"Kotse mo?"tanong ko sabay turo dun sa kotse

"Hindi."sagot niya

"Eh kanino yan? May kasama ka ba? Papasukin mo muna dito."sabi ko

"Akin yan!"sabi niya sabay kamot sa batok

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now