[TDS(1)] : ADLS 37

509 13 2
                                    

Chapter 37

HEARTNELLE'S POV

"Waaaah sinong umubos ng fries ko?!"ngalngal ni Ali pagka balik na pagka balik nila dito sa table namin

Agad ko namang tinuro si Twinnie pero tinuro niya rin ako.

Hehehehe ang totoo kasi talaga niyan. Kaming dalawa naman talaga umubos non.

"Waaah Fshiee bakit mo naman inubos! Binugahan mo na nga ako ng juice tas inubos mo pa fries ko? Huhuhu bakit ka ganyan? Hindi na kita lab!"pagmamaktol niya pa

Ewan ko ba pero minsan talaga nag iisip bata siya.

"Teka bakit ako lang. Si Twinnie rin kaya."paninisi ko kay Twinnie

"Eh libre niya naman yon eh! Mas matatanggap ko pa kung siya lang umubos pero yung pati ikaw! Hindi tama yun fshie! Hustisya!"

"Ang ingay mo Lala shut up ka na bumili ka nalang ulit kung gusto mo malate sa next class."sabi ni Light sa kanya

Inirapan naman agad siya ni Ali pero tinawanan lang niya yon.

Mga baliw.

Umupo na sila Light at Ali sa pwesto nila kanina.

1:18 pa lang naman kaya dito muna kami.

"Nga pala. May naisip na kayong gagayahin na hero sa ml? Para sa acquaintance natin?"sabi ni Twinnie

"Ha? Acquaintance? Meron tayo non?"tanong ko

"Oo nga. Meron pala?"tanong din ni Ali

Last year kasi wala. Kasi hindi ganun kaactive yung ssg dati. 

Pero ngayon mas active na kasi naiba na.

"Ha? Bakit di niyo alam? Kayo ha hindi kayo nakinig sa announcement ko nung pageant noh? After nung announcing ng winners sa pageant nag announce ako tungkol sa acquaintance."

"Baliw baka nung inaannounce mo yon natakbo na kami papuntang parking lot!"sabi ni Ali

"Ay! Oo nga pala! May nangyari nga palang hindi maganda kay Swirll nun. Sorry nalimutan ko. So ayun nga, magkakaroon tayo ng acquaintance. Pero sa August 28 pa naman. Malayo layo pa kasi June palang naman ngayon. Pero eto nga. MLBB HERO THEME ang acquaintance natin. Hindi ako nag suggest niyan okay? Yung P.I.O nag suggest hahaha adik kasi yun sa ml. So ayun umagree naman lahat kaya wala na kaming nagawa ni president kahit wala rin kaming masyadong alam sa ml. So ayun nga, sinong hero ipoportray niyo? Ako kasi wala pa, hindi ko pa alam."mahabang sabi niya

"Haba ng sinabi mo ah miss vp. Pero wala akong alam sa ml na yan kaya mag tatanong nalang kami ni fshie sa kapatid niya kasi adik din yun si Local sa ml."sabi ni Ali

Oo tama! Kay Hearxelle kami mag tatanong!

Wala rin kasi akong alam masyado dun. Pero binabalak kong mag install non pampalipas oras lang hahaha!

Kasali kaya don yung mga senior high?

Wag kayong ano. Iniisip ko lang kung kasali rin dun sila KUYA ZACH. Wala nang iba. Promise!

"Twinnie. Kasali din ba yung mga senior high?"tanong ko

"Oo grades 9,10,11 at 12 ang mga kasali sa acquaintance. Bakit mo naman natanong?"

Nagkatinginan naman silang tatlo sabay tingin nanaman sakin. Ano nanaman?

"Alam ko kung bakit! Iniisip niya kung kasali rin kaya si Squall niya! Hahahahah! Diba diba?! SquaNelle for the win!"

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now