[TDS(1)] : ADLS 42

581 15 2
                                    

[WARNING: More characters will be introduced in this chapter]

Chapter 42

HEARTNELLE'S POV

Nakarating na kami sa club room ng P.E at mas malawak to kumpara sa club room ng Science. Malamang ang dami dami namin eh 7-12 ba naman.

"Good Morning P.E club members. My name is Moon Keb Mendel. I'm the President of our club. I hope na magkasundo at mag participate tayong lahat."sabi nung lalaki sa unahan

Hindi lang siya yung nasa unahan nandun din si Dasha pati si Squirrel. Sa tingin ko officers din sila. Kasi sabi ni Dasha kanina secretary daw siya ng P.E club. Eh eto kayang si Squirrel ano?

Eh ano bang pake ko sa kanya?

May iba pa silang kasama sa unahan pero hindi ko kilala.

"First mag papakilala muna lahat ng officers ng club natin."-Moon

"Hi! Since nag pakilala na si Master President hahahha! Ako naman. Jacob Price at your service! I'm the Vice President of our club. I'll promise to help Master President. Nice to meet you all!"

"Hello! My name is Dasha Leym Gomez. Ang inyong Sexytary-- ay este Secretary! Nice to meet you all!"

"Sayang naman hindi tayo pwedeng maging officer dito sa P.E club. Kung nagkataon escort nanaman ako panigurado."sabi ni Hearx

Wow. Taas ng confidence level. Kapatid ko ba talaga siya?

"Tigilan mo na kahibangan mo Hearx yang mukhang yan hindi pang escort yan."sabi ni Emzey

AHAHAHAHA!

"Sama mo ate Emzey! Bakit ka pa ba lumipat dito sa school namin? Bumalik ka na sa pinang galingan mo. Hmp."

"Joke lang eh. Sige na gwapo ka na minsan ka lang mag day dream pag bigyan na."-Emzey

"Mas gwapo pa ko diyan ate Mheyxie na pinsan ni Hearx diba?"daldal din ni Hiro

Ang kakapal talaga ng mukha ng mga batang to minsan eh.

"Oo naman hehe. Gwapo kayong lahat."sabi nalang ni Emzey para manahimik na sila

"Ate Mhie pano ka pala naging P.E club diba kakapasok mo lang? Eh nauna na mag palista ng club na sasalihan yung mga senior high nung nakaraan."tanong ko kasi grade 11 na si ate

"Nag palista din ako kanina pwede naman eh."sabi ni ate

Ahh ganun.

Tumango tango nalang ako.

"Hi! My name is Quade East Montralejo! Your Peace Officer!"sabi nung Quade at nag shh sign pa

Ang gwapo niya hehehe!

Peace officer na pala nag papakilala nubayan hindi ko narinig yung ibang officer ang ligalig kasi nila Hearx eh.

"Ate diba si kuya Squall po yun! Officer din po pala siya."sabi sakin ni Ley(Ashley) habang nakaturo sa unahan

"Oo nga eh hindi ko alam pano nila napapayag maging officer yan. Pero wala akong pake sa kanya ngayon Ley galit ako sa kanya bwiset yan stupid daw!"reklamo ko

"Hahaha! Okay lang yan ate! Expression niya lang daw yun diba sabi niya. Patawarin mo na hihihi!"sabi ni Ley

Nginitian ko nalang siya.

Ah basta nababadtrip parin ako sa Squirrel na yon!

"Wala yung muse natin. Nasa clinic pero babalik siya mamaya. So let's proceed to our escort."sabi ni Moon na president

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now