[TDS(1)] : ADLS 51

460 25 2
                                    

Chapter 51

HEARTNELLE'S POV

"Now, where here at the most awaited part of the debut! The 18 Roses!"-Twinnie

"Ready na nga ba ang debutant natin?"-Sky

Tumango naman ako at ngumiti.

Kung pumunta kaya si Squirrel? Sasali kaya siya dito?

Teka ano bang iniisip ko!

Parang ewan eh!

"Ofcourse kailangan first na first ang kanyang napaka gwapong father! The Loving Father, Zachary Santori!"-Twinnie

Umakyat naman si papa sa stage tas pumunta munang gitna sabay pogi sign.

*face palm*

Pa ano yun? HAHAHAHA!

Lumapit sakin si papa since nakaupo ako.

Nilahad niya yung kamay niya sa harap ko kaya nakangiti naman akong inabot yun at tumayo.

Nung nasa gitna na kami ni papa biglang nagkaron ng spotlight nakatapat samin.

Inabot sakin ni papa yung rose. Tapos nag simula na kaming mag sayaw.

"Anak dalaga ka na. Sige na papayagan na kitang maligawan, ligaw lang muna ha. Pag sigurado ka na sa taong yun. Saka mo siya sagutin, ayaw ko na masaktan ang precious baby girl ko."

"Pa! Ano bang sinasabi mo! Wala namang nag tatangkang manligaw sakin noh!"sabi ko

"Basta anak. Kung meron man, kaso pag nagka boyfriend ka na baka hindi ka na magpa baby samin ng mama mo. Mag tatampo talaga kami, lalo na ang mama mo."

"Hindi po pa! Kahit mag 40 years old pa ako ako parin baby niyo noh! Gustong gusto ko kaya pag binebaby niyo ako!"

"Yan gusto ko sayo anak! Promise mo yan sakin ha. Pag hindi mo tinupad itatakwil na kita."

"Luh pa!"

"Joke lang! Basta anak tandaan mo lagi. Kung saan ka masaya dun din kami."sabi ni papa

"Opo. Thank You pa, wag niyo naman ako paiyakin huhu! Baka kumalat make up ko!"

Nung natapos na yung music. Ay bumitaw na si papa sakin.

"Tandaan mo lahat ng sinabi ko anak ha."sabi ni pa sabay kindat pa

Iba din talaga to si papa.

Bagets!

-----

"Syempre hindi mawawala ang pasaway na kapatid! The Local Brother, Hearxelle Raizen Santori!"-Twinnie

"Ew. Bakit ba kasi ako kasali dito? Ayoko isayaw si ate kadiri!"sabi ni Rai pagkaagaw niya ng mic kay Sky

Ang sama talaga ng batang to!

Nag tawanan naman yung ibang bisita.

Bwiset!

Lumapit sakin si Rai na may halong pandidiri.

Ang arte talaga ng kapatid kong to!

"Oh te bulaklak. Pinitas ko lang yan sa kapitbahay natin kasama sila Hiro, sayang pera kung bibili pa ko para sayo."sabi ni Rai kaya binatukan ko siya

"Aray ate! Ang sakit nun ha! Naka gown ka tas kung makabatok ka naman wagas!"sabi ni Rai

"Ang dami mong reklamo! Isayaw mo nalang ako Baby Rairai!"pang aasar ko

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant