[TDS(1)] : ADLS 44

632 21 0
                                    

Chapter 44

HEARTNELLE'S POV

Naghahanda na ko para sa shooting namin ngayong araw. 9:00 am ako nagising at ngayon ay 10:00 na! Ayoko naman malate kaya nag mamadali na kong kumain ngayon.

"Alis na ko! May practice kaming sayaw ngayong 10:00 sa school! Late na ko!"sabi ni Rai at dali daling tumayo pero pinigilan siya ni ate Zachae

"Hep! Ubusin mo yang pagkain mo kundi. Hindi ka makakalabas ng bahay na to."-Ate

"Ate naman!"-Rai

"Rai sumabay nalang kayo sakin ni Heart sa school din naman practice namin."-Kuya Zach

Ayoko nga sumabay sayo kuya hmp.

"Pare pareho kayong may practice? Teka, aalis din ako eh, pano yung triplets?"-Ate

Aha!

"Ate isasama ko nalang sakin! Madami naman kami dun. Mababantayan namin sila! Isasama ko rin si Quirtle sakin!"sabi ko

"Sige ingatan niyo yang tatlo."sabi ni ate habang sinusubuan ng pagkain si si Blue

Sakto naman tapos na ko kumain.

"Tara na. Baka malate pa tayo eh, bye ate!"sabi ko at tumayo sabay kuha kay Quirtle

"Late na nga ako eh!"sabi ni Rai na punong puno yung bibig

Nilahat daw ba yung natitira sa pinggan niya.

"Rai buhatin mo si Owlette bubuhatin ko sila Gekko(Gray) at Connor(Blue)."-Kuya Zach

"Eh kuya! Dadalhin ko si Kai eh!"-Rai

"Ang arte mo Rai! Oh buhatin mo si Quirtle ako mag bubuhat kay Owlette."sabi ko

Nag mamadali na kami eh napaka ano talaga nito ni Rairai.

Nakarating na kami sa kotse ni kuya. Syempre sa backseat ako katabi yung triplets tas nasa lap ko naman si Quirtle.

Wala naman na akong choice alangan mag bike ako! Eh may mga baby akong kasama.

"Ate bakit ka ba naka uniform? Linggo ngayon noh! Mag papractice lang tayo ng sayaw!"-Rai

Medyo bonak rin si Rairai minsan eh.

"Malamang! Mag shushooting kami diba! May dala naman akong damit pang practice."sabi ko

"Pano nga pala pag nag papractice na tayong lahat? Pano yung triplets?"-Kuya Zach

Oo nga noh?

"Aba si ate dapat mamroblema diyan kuya. Siya nakaisip na isama yung triplets na kulay eh!"-Rai

"Ako na bahala."sabi ko kahit hindi ko alam kung ano rin gagawen ko mamaya huhu

"*meow*"

"Gaya gaya ka Rai. Bakit mo bitbit si Kai?"tanong ko

"Eh bakit ba ate? Ipagmamayabang ko sa kanila si Kai ko!"-Rai

---Few Minutes Later---

"Nandito na tayo."-Kuya Zach

Umuna bumaba si Hearx tsaka binuhat si Blue para makalabas ako.

"Rai hawakan mo nga tong tali ni Quirtle ilalabas ko sina Owlette at Gray."sabi ko kay Rai

Inismiran niya naman ako pero hinawakan niya parin naman. Daming alam nitong kapatid kong to eh.

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now