[TDS(1)] : ADLS 32 - PBB 2020

475 15 1
                                    

Chapter 32

HEARTNELLE'S POV

"Good Evening students!"bati ng emcee sa mga manonood

Eto na eto na eto na!

Kinakabahan ako!

Whoo!

Nag hiyawan naman ang mga estudyante.

"Are you ready?"tanong uli ng emcee

"Yes! Whoo!"sigawan ng mga estudyante

"Let's welcome! Our contestants! Wearing their School Attire!"

ETO NA! SHET!

Una kaming lumabas na mga babae ng sunod sunod at buti nalang ay medyo nasanay ako sa high heels dahil tinulungan ako ni Fshie at sa tulong narin ng practice.

Naririnig ko ang malalakas na tilian ng mga estudyante kanya kanyang cheer sa pambato nila. Nangingibabaw pa nga ang boses ni Ali. Hahaha! Sayang lang at wala si Tita Bella may emergency daw kasi eh.

Pagkatapos namin ay boys naman.

Pagkatapos rumampa ng boys ay balik ulit sila sa backstage.

"Please welcome! Candidate number 1!"sabi pa uli ng emcee

At sabay namang lumabas sina Henrick at Ryzza at ayun rampa ganern.

Umusad na at sina Swirll na ang sunod.

"Please Welcome! Candidate number 5!"

At lumabas na nga ang KyRai.

Oo! Yun ang tawag sa dalawang yan simula pa nung 3rd day ng practice! Pinag shiship talaga sila kahit palaging nag aaway na parang aso at pusa. Ang cute lang.

Gaya ko ay tinuruan rin ni Ali si Swirll gumamit ng high heels.

Matapos nila ay sumunod na sina Pearl.

Pagtapos nila Pearl ay sina Perylle na.

Eto na eto na. Shet.

Ako na ang sunod.

I mean kami.

"Please welcome! Candidate number 8!"

AYAN NA!

Nanginginig kamay ko shet naman kasi bakit ba ako nasali dito UWAAAA!

Pinilit kong ngumiti at tuluyan nang tumapak sa stage kung saan maraming nanonood na estudyante.

Kabilang na doon si Squirrel na nakaupo at nakadekwatro at mukhang walang ganang manood tsh.

Nang nasa gitna na kami at katabi ko na si Chase ay may nahagip ang mga mata ko.

KUYA AND BEA.

Why are they here?!

Ah ang tuleg naman ng tanong ko. Malamang dito rin sila nag aaral kaya pwede silang manood.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanila at tuluyan nang nagpa kilala sa harapan ng mga tao.

"Hello, Good Evening everyone! My name is Heartnelle Zerin Santori--"err Bwisit talaga. Kailangan talaga kasing sabihin ang full name eh yan na wala na.. Nasabi ko na er "--representing grade 10-Love!"

Nagsimula nang magbulungan ang mga estudyante kesyo kaano ano ko raw si Kuya Zach at Si Hearx.

Bahala sila!

Yun ang sinabi ko at si Chase naman ang sumunod na nag salita.

Pag tapos nun ay bumalik na kami sa backstage.

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now