[TDS(1)] : ADLS 55

508 22 9
                                    

Chapter 55

HEARTNELLE'S POV

Parang kailan lang nung nag simula yung October.

Ngayon last day na.

Ang bilis talaga ng panahon!

"Huy ano! EK rin tayo! Nainggit ako kila Local eh!"pangungulit ni Ali

Kanina pa yan eh EK daw kami tas gusto niya pa ngayon. Eh 2:34 pm na eh! Sayang lang pera namin.

"Manahimik ka na Lala pwede ba? Kasi alam mo yun? Naririndi kami!"reklamo ni Light

"Wow! Lakas makareklamo Liwanag! Eh kami nga araw araw naririndi sayo eh! Nag reklamo ba kami?"-Ali

"Parehas naman kayong maingay nag away pa kayo."sabi ni Mheyxie

Nandito kami kila Light.

Kasi inimbita niya kami, late celebration daw ng birthday niya. Kasi hindi kami nakapag celebrate ng ayos kasi may pasok saka gumawa kaming powerpoint presentation. Tapos nung isang linggo naman nag celebrate sila ng pamilya niya nag beach sila 2 days. Kaya ngayon lang nag karoon ng tsansang mag celebrate.

"Oh meryenda na kayo. Masarap yan, asan na ba yung iba niyong kaibigan? Anong oras daw ang punta?"tanong ng mama ni Light habang nag lalapag ng cookies at juice sa lamesa

"Nako! Tita! Wag na po natin hintayin yung mga yun! Paspecial po yung mga lalaking yun eh!"sabi ni Ali sabay dakot ng isang cookies pero pinigilan siya ni Light

"Hoy! Takaw mo Lala! Mamaya na! Parating na yun! Nag text na sakin si Chase kasama niya sila ZACH!"-Light

Nice Chase daw oh! HAHAHA!

"S-sino k-kamo?"-Ali

"Nuy kunwari pa to na hindi niya narinig! Eh pag dating naman kay Zach malakas pandinig mo!"sabi ni Dasha sabay sundot sa tagiliran ni Ali

"Aray ha! Sorry na! Hindi ko talaga narinig noh! Cr nga muna ko!"sabi ni Ali sabay tayo at diretso sa pinto palabas ng bahay

"Cr daw pero lumabas ng bahay? Nukayayun?"-Twinnie

"Hayaan niyo na yun! May sapak yun si Lala!"-Light

"Wow, parang ikaw wala."sabi ni Selina kaya napatingin kami sa kanya

"Wow! Nag sasalita ka pa pala?"pang aasar ni Shua kaso sinamaan lang siya ng tingin ni Selina kaya nanahimik nalang siya

Hahaha!

"Ay shet! Liwanag! Takte! Asan kwarto mo?! Dun muna ko! Takte takte!"sigaw ni Ali pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto

Hindi niya na nga hinintay sagot ni Light eh dumiretso agad siya sa taas.

"Problema nun? May topak talaga."sabi ni Mheyxie

"Baka nandiyan na sila Zach."sabi ni Atasha sabay tayo at silip sa bintana

"Ano andiyan na?"

"Oo nandito na nga."sabi ni Atasha tapos binuksan yung pintuan

"Hello!"bati ni Ken na unang pumasok sa bahay

"Wow feel at home ka ha! Sige pasok na!"sabi ni Light na ngayon ay nag sasalin ng juice sa baso niya

"Ayos ka pala Light ha may pa late celebration ka pa! Gusto mo lang naman mapapunta dito sa bahay niyo si Chase."sabi ni Van na kakarating lang rin

Bigla namang napabuga si Light ng juice na iniinom niya at sa kamalas malasan eh kay Sailor yun tumama lahat.

"Manahimik ka Van Chan! Pinag sasabi mo diyan? Hagis kita sa pool eh!"bulyaw ni Light

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now