Chapter 1: Bump Him

202 57 104
                                    

Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 1

"Kung sinunod mo lang sana ako, hindi sana nangyari 'to!" Mom shouted. I don't understand what they're talking about.

"Look! Hindi ko iyon kasalanan! Even you and I doesn't expect that to happen, okay!" Dad retorted.

"How about our daughter? Paano kung saktan nila si Arianne? Are you out of your mind, Arcelo?!"

Napalitan ng kadiliman ang paligid. Mga nagtataasang mga puno at halaman ang makikita. Mga huni ng ibon ang maririnig. N-nasaan ako?

'Run, Arianne, Run!'

Ilang sandali pa ay tanaw ko ang mga lalaking naka-itim na patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo. Madilim ang paligid. Hindi ko alam kung saan tutungo.

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang batang lalaking nakatayo sa tuktok ng bundok. Mabilis akong tumakbo paakyat subalit tila bumabagal ang aking pagtakbo.

'Huli ka! Huwag ka ng tumakas pa!' Isang payat na lalaki ang humawak sa aking braso. Sinubukan kong pumiglas subalit sadyang malakas siya. Hindi ako makawala sa higpit ng pagkakahawak nito. Mom, Dad! Help me! Pleaseeee....

"Arianne, gising. Nananaginip ka na naman."

Nagising ako sa mahinang tapik ni mama. Tagaktak ang pawis kong napabangon. "Binabangungot ka na naman, 'nak. Ayos ka lang ba?"

Tumango ako, "Ayos lang, ma. Anong oras na po ba?"

"It's almost seven in the morning. Mag-prepare ka na, ihahanda ko lang ang agahan sa 'baba." I nodded again. Lumabas si mama sa kwarto. Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha. That dream again. It keeps hunting me. But why? All I know wala naman akong maalala sa past ko. Hindi din ako naniniwala sa mga past life.

Argh!

Mabilis kong iwinaksi sa isipan ang panaginip kong iyon. Kailangan ko ng maghanda dahil may klase pa ako ngayong araw. Tama! Iyon nalang muna ang isipin ko. Isa pa, it was just a dream. Panaginip lang iyon at hindi naman iyon totoo. So don't mind it, Arianne. Okay?

I fix myself bago bumaba upang kumain ng agahan. After eating our breakfast ay nagpaalam ako, "ma, pasok na po ako ng school."

Ngumiti si mama, "sige anak, mag-iingat ka palagi." Hinalikan ko si mama sa kanyang pisngi bago umalis.

"Evolution is the process of change. This change started from the simple origin of life and led to the wide variety of plants, animals, and microorganisms found today." Pagsasalita ko sa harap ng pisara upang ipresenta ang naiatas na report sa akin ngayong umaga.

"Some changes are easily noticeable," dagdag ko. Parang pag-ibig lang 'yan, madaling malaman kapag wala na o nagbago na. "Other changes occur so slowly through time and are not easily noticed," pagpapatuloy ko habang palakad lakad sa harap na animo'y isa akong guro. After an hour ay natapos din ako sa pagrereport.

Nang umalis ang aming professor ay agad kong iniligpit ang mga gamit ko at inilagay iyon sa locker. I've never expect na makakapag-aral ako sa isang sikat na private school sa buong Pilipinas. Grabi 'yong experience, hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay kahit na mag-iisang buwan na ako sa school na ito. Malaking adaptations and adjustment ang kinailangan ko pang gawin. And honestly may kahirapan sa pag-adjust lalo na't ibang environment ang nakasanayan ko.

"Arianne!" Napalingon ako, kumakaway ito habang tumatakbo. Napangiti ako. Meet my friend, Marvie. Matangkad, maganda, matalino at kinababaliwan ng karamihang lalaki. Asset niya? Well, she had this so called 'Charisma'.

Our Messy Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon