Chapter 9: To Be My Side

70 45 22
                                    

Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 9

LUNES na at hanggang ngayon ay kinukulit ako ni Marv na sabihin ko raw kung bakit nagkapasa ang dalawa noong isang gabi. Hinatid na kasi ako ni Jonard sa bahay nung madaling araw kaya hindi ako naabutan ni Marvie sa bahay nila. Then this last weekend ay naging busy pa siya kaya hindi pa kami nagkakausap ng maayos.

"Bakit nagkapasa yung dalawa sa mukha, Arianne?" Sasabihin ko nalang ba na sobrang magkamukha ang dalawa kaya akala nila'y nagkatinginan sila sa salamin at nagkabunggo? O, dahil sa mga pasaway sila kaya sinuntok ko sila sa mukha isa-isa?

"Hindi ba nila sinabi sa'yo kung saan nila nakuha yung mga pasa na'yon?" Kung makakagawa man ako ng kasinungalingan ngayon, sorry Marvie for not telling you the truth. Huhuhu.

"All grade 12 students of I.T department, please kindly proceeds to the quadrangle area. Again, all grade 12 students of I.T department, please kindly proceeds to the quadrangle area."

"Mamaya mo nalang ichika sa akin," ani Marvie at saka hinila si Angela palabas ng classroom.

Ohws, thanks for that. I'm saved.

Napansin ko na ako nalang pala ang hindi pa nakakalabas kaya sumunod na ako. Nang makalabas ay halos hindi ko ma-explain ang sarili dahil sa sobrang gulat.

"Aatakihin ako sa puso nang dahil sayo eh, hayop 'yan!" Ani ko.

Bumaling ng tingin sa akin si Louwiee. Infairness, magaling na yung pasa niya sa mukha. Gwa-Staaaapp!

"Are you used to fighting? You looked good when you fought last two nights." Bahagya akong natigilan. Is he stating about how I kick ken's ball? Seriously?

"P-pinag-aralan ko 'yon. Thats just for self-defense." Pagdadahilan ko kahit medyo awkward.

"Thats cool though," he smirked. "I was amazed. I want to know you more," aniya at saka naunang naglakad paalis.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Gosh! Why my heart beating so fast? Kailangan ko na bang magpa-check up sa clinic bukas, o baka napaparanoid lang ako? Yeah, tama. Paranoid lang siguro ako.

Agad naming tinungo ang quadrangle suot ang aming P.E uniform. Pagkarating namin ay mabilis kaming nag-form ng line dahil iyon ang instructions ng aming P.E teacher. By gender at height ang basihan ng linya namin kaya malayo sa akin sina Marvie at Angela.

"Take my command!" Malakas na sigaw ni sir Selga, ang aming PE instructor.

"Tunton kanan, na!" Mabilis at sabay sabay naming itinunton ang kaliwang kamay sa kanang balikat ng mga nasa kaliwa namin. We are drilling the C.A.T now, nasa six squad ang line namin dahil marami kami.

"Handa, 'rap!" Ibinaba namin ang kaliwang kamay, ni isang tunog ng paglagapak ng kamay sa hita ay wala kang maririnig. Palihim kong sinilip si Louwiee sa kabilang linya.

"Harap sa kaliwa, harap!" We turn left na tila isinalang kami sa isang military training.

"Harap sa likod, harap!"

"Harap sa kanan, harap!"

"Tikas pahinga, na!"

Matapos ang ilang minuto ay pinaupo na kaming lahat. Sir Selga start to discuss about the Eleven General Orders. I don't have any idea what is all about. But guessing the situation, I think may kinalaman ang discussion na ito sa mga military orders since we drill the C.A.T.

Isa-isa niyang ipinaliwanag ang 11 G.O (General Orders) na halos maubos na ang dalawang oras na klase niya sa amin. Panay rin ang pagtingin ko ng lihim kay Louwiee. Aiisst! Ewan ba, nagkukusa nalang kasi ang mga mata ko na tumingin sa direksyon niya at iyon din ang kinakainisan ko. Ang gulo ko hindi ba?

Our Messy Hearts ✔Where stories live. Discover now