Chapter 4: Stay Away

105 48 46
                                    

Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 4

SAKTO alas-otso y media ng umaga ay pumasok ako sa loob ng aming classroom. Suot ang uniporme ng Heiress University na inayos ko pa kanina bago pumasok sa loob. Tulad ko ay naroroon din ang ilang mga estudyante na hindi pinagpala ng kayamanan.

"Arianne, may sagot kana ba doon sa assignment na ibinigay ni ma'am sa physics?" Bungad sa akin ni Angela.

Alam kong mangongopya lang itong babae na ito. Matalino naman sana kaya lang ay talagang sinusumpong lang iyan ng katamaran.

"Hindi ko pa din natatapos. Hindi ko ma-gets ang ilan doon." Sagot ko bago umupo sa tabi niya.

"Akin na, ako na tatapos." Agad na nagningning ang mga mata ko dahil sa tinuran nito. Mabilis kong kinuha ang notebook sa aking bag at inilahad iyon sa kanya.

Pinitik niya ang noo ko, "Diyan! Diyan ka magaling. Hindi mo tatapusin kasi alam mong mangongopya ako." Sermon niya na akin namang tinawanan.

Sinagutan ni Angela ang ilang mga blanko ko. See? Matalino naman kasi talaga, tamad nga lang. Ilang sandali pa ay natapos na niyang sagutan. Kumuha lang siya ng papel at kinopya ang sagot na nasa notebook ko.

"Still doing that?" Singit ni Marvie na kararating lang. Ngumiti lang kami ni Angela na parang sinasabing 'alam na this'. Napailing-iling nalang si Marvie dahil doon.

Ewan ko ba. Parang nature na sa amin ni Angela na magtulungan pagdating sa acads. Hindi kami iyong ibang magkakaibigan na nakikipag kompetensya sa isa't isa. We give and take, iyon ang rules namin ni Angela. Well, si Marvie hindi na niya kailangan iyon. Sadyang likas na sa kanya ang pagiging matalino. Madalas pa nga kapag kinatamaran namin ni Angela ang mag-aral ay siya pa ang nagiging tutor namin para ituro ang ilang mga nai-discussed na hindi namin maintindihan.

Ilang segundo pa ay dumating narin ang aming professor. Napansin ko din na halos magkasabay lang pumasok sa loob ng classroom sina Jonard at ang aming guro.

Until now ay hindi parin ako makapaniwala na araw-araw kong makikita ang taong pinipilit kong malimot. Okay na sana noong wala na siya e. Nagiging maayos na ang buhay ko. Pero ba't ang unfair naman ni tadhana?

"Naka-moved on ka naba?" Sinagi ni Angela ang braso ko dahilan para bigyan ko siya ng masamang tingin.

"Gaga, sorry na agad, hehehe." Nag-peace sign ito. Napairap ako. Panira ng mood itong si Angela, tss.

Our teacher greet us goodmorning and we answered 'goodmorning too' in unison. Wala siyang ginawa kung hindi magbasa at magpaliwanag. Halos buong klase ay tahimik, may ibang humihikab pa. Napabaling ako ng tingin sa labas. Mukhang maaga ngayong uulan. Naiwan ko pa naman ang payong ko sa bahay.

We had a short quiz after the discussion and that's all. Pagkasabi pa nga lang ng 'dismiss' nag-unahan na sa paglabas ang iba na parang kanina pa nila hinihintay 'yon. May iba ring naiwan at hawak ang kanilang cellphone para kunan ng pictures ang mga lectures na kinatamaran nilang isulat ngayon.

"Besh, may number ka ba ni Jonard?" Tanong ni Angela sa akin. Marvie give her a death look pero hindi iyon umobra sa kanya.

"W-wala." saad ko at umiwas ng tingin.

"Sayang naman, hihingin ko lang iyong number ni Louwiee sa kanya e. Pero pwede narin number nalang ni Jonard, hehehe." Saad nito. Mahinang pinitik ni Marvie ang noo ni Angela. Okay, hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ito ni Angela.

"Gagi, joke lang naman." Dagdag nito.

"Pero girl, naka-move on kana ba?" Malakas na muling tanong ni Angela dahilan para mapalingon ang karamihan sa gawi namin. Buti nalang nga at wala na kaming klase at iilan nalang din ang naiwan na estudyante dito sa loob ng classroom.

Our Messy Hearts ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon