Chapter 14: It Hurts

65 34 23
                                    


Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 14

JENSEIN is supposed to stay here in the mansion for two days. Sa unang araw niya sa mansyon ay palagi silang nag-uusap ni Marvie. Kinukumusta niya ang kalagayan ng isa sa mga Fuentes. I don't know if si Jonard ba o si Louwiee iyon since she likes Louwiee that much. Si Angela naman ay gusto ng sabunutan si Jens dahil palagi nalang daw nitong kinakausap si Marvie at halos ma-out of place na daw s'ya. Psh. Nandiyan naman si Vix, sinusungitan pa. Vixter is here also. Invited s'ya sa birthday ni Jonard since they are friends. Simple lang ang naging takbo ng araw kahapon, kaunting pagsasalo salo and then nag-videoke pa sila. 

"Hindi pa ba gising si Louwiee?" Tanong ni Jens bago kami mag-breakfast.

"Tulog pa s'ya this time," sinabi ni Marvie. "Hindi siya sumasabay sa pagkain gaya ng dati kapag wala siya sa mood. Dinadalhan ko nalang siya ng pagkain sa kwarto niya." 

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Jensein ng marinig ang tinuran ni Marv.

"Kung ganoon ay gigisingin ko nalang s'ya, ako narin ang maghahatid ng breakfast niya sa itaas." 

Natigilan ako dahil sa narinig. I felt a light stab on my chest. Like a silent warning of emotional instability. For a moment I thought Marv stared at me. Muli siyang bumaling kay Jens.

"Si Jons at Vix pala Marv saan?" Singit ni Angela sa usapan.

"Umalis sila kaninang umaga pa, may pinuntahan lang 'ata." Ako na ang sumagot sa tanong ni Angela. Nakita ko ang pagtango ni Angela.

"Is it okay, Marv?" Jens asked, referring to her suggestion earlier.

"Sure," Marvie managed to smile. "But you know Louwiee is never a morning person, don't you?" 

Ngumiti si Jensein. "I'm very much aware of that." 

Habang kumakain ay napansin ko na napapatingin sa akin si Marvie. May ilang bagay siyang sinabi, ordinary inquires like how I plan to spend my long weekend. I know Marv do this para mawala yung sakit sa dibdib ko. Sumagot ako sa mga tanong ni Marv subalit wala sa hapagkainan o sa usapan namin ang aking atensyon. 

Habang kumakain ay sinabi sa akin ni Marvie na baka daw bumalik agad si Jensein sa dining room dahil hindi gusto ni Louwiee na may gumigising sa kaniya. "You know that hard headed guy, bess." Napapa-iling nalang si Marvie.

Nagtaka ako dahil halos tapos na kaming kumain ay hindi pa bumabalik si Jens.

"Sa tingin ko pumayag si Louwiee na kumain kasama niya. Tsk." Marvie said.

Bumaba ang tingin ko sa pagkain kahit pa tuluyan na akong nawalan ng gana. Nanghihina ako sa hindi malamang dahilan.

Matapos ang breakfast ay nagpaalam ako kay Marv na pumunta sa garden para kahit papaano ay may magawa ako. Si Angela naman ay pinuntahan sina Jonard at Vixter dahil na-o-op daw siya kay Marv at sa akin. Though hindi ko siya gaanong kinakausap dahil feeling ko talaga ay wala ako sa magandang mood.

Sa labas ko na piniling pumunta. Para nadin maiwasan kong makaharap ang mga tao sa loob ng mansyon. Inayos ko ang garden pero hindi ko magawang mag focus sa ginagawa ko. I often find myself stopping. Habang nakaupo sa harap ng tini-trim kong halaman ay hindi ko mapigilan na pakiramdaman ang aking sarili. 

My heartbeat is unusually fast. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Hanggang sa pumasok sa isip ko si Jensein at Louwiee. Naalala ko ang pag-aalala ni Jens kapag si Louwiee na ang pinag-uusapan.

They know each other better than any people like me. Maybe they know each other weaknesses and strengths. Alam ni Jens ang gusto at hindi nito gusto. Hindi siya takot na harapin ito. Because she knows a side of Louwiee I want to see even a glimpse of. They have a relationship after all. Bagay sila.

Our Messy Hearts ✔Where stories live. Discover now