Chapter 11: Smile

62 43 38
                                    

Our Messy Hearts written by ZuXiner

Chapter 11

WE'RE eating our food in silence. I can't break the silence. I don't want to break it. I want to ask him why. Why on earth did he said that. Ako? Mahal niya? Kailan pa?

"Whatever happens kanina, I don't want you to forget it." He's the one who broke the ice. Napatingin ako sa kaniya. He's smiling now. Kung hindi lang sana ako komplikado ay malamang matutuwa at kikiligin ako. Pero bakit? Why you tell me that word in a sudden, Louwiee? Mas lalo lang akong naguguluhan.

"I'm willing to show how weak I am when it comes to you." He smiled again then he continue eating. Tumango nalang ako. I never expect na ang isang masungit at puro pagpa-poker face lang ang alam noon, ang isang lalaking gusto ko, ang isang lalaking hindi naman pala fully masungit, ang lalaking mabait na tulad niya ay mamahalin ako? Just great! Louwiee ang galing mo talaga magpatahimik.

"It's just...when I woke up you're nowhere to be seen that I started panicking and crying. Hindi naman ako ganito pero pagdating sa iyo...hindi ko alam. Bababa na sana ako pero bigla kang pumasok. Thankyou, Iresh." Saad niya. Napakurap kurap ako. Tila hindi mag-sink in ang lahat ng narinig mula sa kanya.

Para siyang bata na binigyan ng lollilop at kakagaling lang sa pag-iyak. He look so happy and contented. Napakagwapo niya at umaliwalas ang kaniyang mukha. No single words can explain how handsome this man is.

"Bakit ka nagte-thankyou? Paano si Jens? Paano yung p-promise ko?" Utal kong tanong kaya umiling siya.

"Because you're existing and you're not planning to leave me. And uh, don't mind her. Kalimutan mo narin ang sinabi kong pangako mo sa treehouse."

So, ganoon nalang iyon? Damn you Louwiee... Bakit ba ganiyan ka? Ano ba talagang nasa-isip mo? Ano ang plano mo? Mahal mo si Jens at aminado ako doon. Pero bakit? Bakit mo ginagawa ito? Did you realize that she's not good for you? Did you realize that you don't love her anymore?

After naming kumain e ibinaba ko na yung plates and things. Si Louwiee naman ay naliligo.

Pakiramdam ko nga ay para akong lalagnatin dahil sa mga nalaman ko. Still, hindi ko parin ma-absorb lahat. Hindi parin ako makapaniwala.

"Bakit mo binaba? Para saan pa ang telepono?" Tanong ni Xiner. I shrugged.

"Ang sossy naman ng hotel mo." Its her turn to shrug naman.

"Wala, eh. ZuXiner pa ba?" Ang layo ng sagot niya kaya kinunotan ko s'ya ng noo, "Ewan ko sayo. Gotta go."

"Enjoy later, hihihi"

Muntik ko na siya kotongan dahil aabnoy-abnoy na naman siya.

Pagkabalik ko eh naliligo pa rin si Louwiee. Humiga na lang ako. Shit ang lambot ng kama huhu pwede ko ba iuwi? Inaaaaay bakit hindi ganito kama ko?
Naalala ko na may WiFi nga pala sila rito kaya kinuha ko yung phone ko na nasa plastic bag. Kita ko na may 13 missed calls. Five kay mama, five kay Marvie, tatlo naman kay Angela. May mga text din.

(Bruhildang Marv:)
KASAMA MO SI LOUWIEE?? NAGTANAN KAYO? 😲

(Angelangina:)
BESHY ANO YUNG SINASABI NI MARVIE NA NAGTANAN KAYO NI LOUWIEE? KAYO NA?

(Inay:)
Arianne Iresh Taguan Rivera, umuwi k n mg isa k lng ha wg n wg k uuwi ni dlw. Kktyin k nmin ni itay m.

Halos tampalin ko na ang noo ko. Ano naman mga pinag-iisip nila. Hahaha.
Magre-reply na sana ako kaya lang wala pala akong load kaya wag na lang. Inilagay ko nalang yung phone ko sa table saka pumikit.

Ang daming nangyari sa loob lang ng isa't kalahating buwan. Ang dami-dami nang happenings sa life ko. Mula sa hindi ko inaasahang pagkikita namin ni Jonard, sa pagkakilala ko kay Louwiee, sa mga araw na hirap na hirap akong maka-move on, sa mga oras na unti-unti ko ng nalilinaw na magkaibigan nalang kami ni Jonard, sa pagsama sa dalawang magkapatid noon sa casino, hanggang ngayon. Ang bilis! Parang kahapon lang ay sinasabihan pa ako ni Louwiee na lumayo sa kapatid niya. And then, out of the blue ay ito na. Pakining shit!

Our Messy Hearts ✔Where stories live. Discover now