Kapitulo V - Vision

13.2K 804 15
                                    

Nagising ako dahil sa mahihinang kaluskos ng walis tingting na siyang palaging ginagamit ng aking butihing lola sa paglilinis ng aming paaralan. Bumangon agad ako at binuksan ang malaking bintana sa tabi ng aking kama bago sinilip kung sino ang nagwawalis sa may gilid ng aking silid. Awtomatiko akong napangiti nang makitang tama nga ang hula ko.

"Good morning, Inang..." mahinahong bati ko sa kanya.

Saglit niyang itinigil ang kanyang ginagawa upang lumingon at ngumiti sa akin. "Good morning din, apo... Kumain ka na riyan, inihanda ko na kanina ang iyong almusal sa hapagkainan," aniya bago bumalik nang muli sa kanyang pagwawalis.

Nagmamadali kong isinara ang bintana at lumabas na mula sa aking silid upang tingnan kung ano ang niluto ng aking Inang. Napapalakpak pa ako sa tuwa nang makita ang paborito kong putahe sa lamesa.

Napatigil ako sa pagsubo nang maramdaman ang mainit na kamay ng aking lola sa ibabaw ng aking ulo. "Masarap ba ang luto ko?" malambing na tanong niya.

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Kailan pa naging hindi masarap, Inang? Ang luto mo kaya ang pinakamasarap sa lahat!" mayabang na sabi ko.

Napailing siya dahil sa sinabi ko habang nakangiti. Napangiti rin ako nang matamis habang nakatitig sa kanyang maamong mukha.

Habang naglalakad palabas ng Southwest wing ay nagkasalubong kami ng ilan sa mga kaklase ko sa Class A na mukhang papunta rin sa Center wing katulad ko. Napakunot ang aking noo dahil sa kakaibang sensasyon na naramdaman ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tumigil muna ako sa paglalakad nang makarating kami sa Center wing. Agad naman akong sinalubong ng isang matinding ihip ng hangin mula sa harapan. Sinikop ko ang buhok kong nagulo at itinali ito nang mataas upang hindi na maging sagabal sa akin ang aking mahabang buhok. Sa kalagitnaan ng pagtatali ko sa aking buhok ay napatigil ako. Bakit parang nangyari na ang lahat ng ito?

"Weird... Déjà vu?" mahinang sambit ko.

Napatingin naman agad sa akin ang mga kaklase ko dahil sa aking sinabi. "Nakita mo na ba itong eksenang 'to sa isang panaginip mo, Amaia?" kuryosong tanong sa akin ng kaklase kong si Ericka.

Ngumiti lamang ako sa kanila at nagkibit-balikat ngunit agad napawi ang ngiti ko nang biglang pumasok sa aking isip kung ano ang kadugtong ng eksenang ito sa pangitain na iyon.

"Shit..." pabulong na sambit ko dahil sa magkahalong kaba at takot na dumaloy sa aking sistema.

"M-May problema ba, Amaia?" tanong nila sa akin nang mapansin ang pag-iiba ng timpla ng aking mukha kaya napaangat ang tingin ko sa kanila.

"H-Huwag na kayong pumunta sa Battle field! U-Umalis na kayo rito! Pumunta kayo sa Great Hall, ligtas kayo roon!" natatarantang sabi ko na siyang nagpakunot sa mga noo nila. "Lahat ng makakasalubong niyong papunta rin dito ay sabihan niyo!"

"B-Bakit? A-Ano bang nangyayari? Anong nangyayari sa'yo, Amaia?"

"Gawin niyo na lang!" sigaw ko sa kanila kaya naman nagmamadali nilang sinunod ang utos ko.

Humiwalay na agad ako sa aking mga kaklase at nagmamadaling pumunta sa Battle field. Naupo muna ako sa bleachers at pinagmasdan ang mga nangyayari. Lahat ng nakikita ko ngayon ay katulad na katulad ng nilalaman ng pangitain kong iyon. Hinanap agad ng aking paningin si Inang dahil alam kong kapag nakita ko siya rito ay mapapatunayan kong tunay na ngang nangyayari ito.

Ang bawat araw na lumilipas ay tila isang magandang panaginip na matagal na naming pinangarap na mangyari. Sobrang tahimik at sobrang kalmado ng paligid... ngunit nakakatakot ang ganitong klaseng katahimikan. At natatakot din akong ito na nga ang araw kung kailan mangyayari ang lahat ng nakatakdang mangyari sa aking masamang pangitain.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon