Kapitulo XII - Power

10.1K 583 16
                                    

 "I figured you would be here..." Awtomatikong napakunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang nakangiting babae na ilang beses na akong ginagambala buhat noong nagkabanggaan kami sa may hallway.

Ibinalik ko ang tingin sa mga naglalaro sa soccer field at nagpanggap na lamang na hindi ko siya nakita upang hindi tuluyang masira ang araw ko. Maya maya ay naramdaman ko ang kanyang presensya sa tabi ko kaya napasinghap ako.

"Palagi kitang nakikitang dumadaan muna dito bago pumasok sa una mong klase, so I assumed you must have really liked watching morning practices. Are you somehow interested in soccer or... sa kahit anong sports na ginagawa sa field?"

Tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya bahagya siyang napaatras. "It's none of your business," tipid kong sagot bago ibinalik ang tingin sa field.

Tumikhim muna siya bago muling nagsalita. "And I assumed you must have really hated socializing, too," confident na sabi niya.

"Bakit mo ba kinakabisado ang bawat galaw ko?" mariing tanong ko sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay at tiningnan. "Stalker ba kita?"

Ngumiti siya nang matamis sa akin. "I just want to be friends with you, Janica—"

"And how the fuck do you know my name?" halos pasigaw na tanong ko sa kanya na siyang nagpaawang sa bibig niya.

"Narinig ko lang sa iba—" Itinaas ko ang isa kong kamay at iniharap ang palad ko sa kanya upang patigilin siya sa pagsasalita.

"Wala akong pakielam kung saang lupalop mo nalaman. Just get the hell out of my sight bago pa kumulo ang dugo ko," mahinahong sabi ko bago saglit na pumikit nang mariin.

"Janica, I just really want to—"

"I said get lost!" mariing sigaw ko sa kanya. Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang tumalsik papalayo sa akin na tila ba itinulak ko siya gamit ang kamay ko.

Napahawak ako sa nanginginig kong kamay habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa damuhan. Napatingin ako sa paligid at nakitang napatigil sa pag-eensayo ang mga players at lahat sila ngayon ay nakatingin na sa amin. Bakas ang gulat at panghuhusga sa kanilang mga mata habang pinagmamasdan kaming dalawa.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babae at ngayon ay pumapatak na ang mga luha mula sa mga mata niya. "I-I'm sorry, Janica... I-I'm really sorry," paulit-ulit niyang sabi habang pinapalis ang mga luhang kumakawala sa mata niya.

Inawang ko ang bibig ko upang magsalita ngunit bago pa ako makaimik ay tumayo na siya at pinagpagan ang sarili. Nagmamadali siyang umalis at tumakbo papunta sa building.

What the hell just happened? One second she was still in front of me, and the next second she was sitting on the grass a meter away from me? Ano 'to, magic? May superpowers ba ako? You've got to be kidding me!

Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Pagkamulat ko ay taas-noo akong naglakad papasok ng building. Basta ako, alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama at inosente ang mga kamay na 'to! Ni hindi nga dumapo ang tela ng damit niya sa mga daliri ko, eh!

Buong klase ay nakatitig lamang ako sa mga kamay ko at iniisip pa rin kung ano ba ang ginawa ko kanina at kung paano nangyari iyon. Did I really push her? Bakit wala akong naramdaman? Imposible namang tinulak siya ng hangin! O baka ng multo?

Tumingin ako sa isa kong kaklaseng babae na kakapasok pa lang ng silid mula sa kabilang pinto sa likod. Seryoso siyang nagbabasa ng isang sikat na novel habang dahan-dahang naglalakad sa may gitna. Napatingin ako sa mga kamay ko bago ibinalik muli ang tingin sa kanya. 

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon