Kapitulo XXI - Lost

8K 522 7
                                    

"Amaia, hija... ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" Nanatili ang aking paningin sa malaking cauldron sa aking harapan. Nandito kami ngayon ng aking lola sa dormitory dahil hindi muna kami umuwi sa aming tahanan sa Sunne. Kailangan ko muna kasing unahing gawin ang aking proyekto na ipapasa na agad sa Lunes.

"Project ko po ito kay Ms. Avila... pinapagawa po kami ng kahit anong gusto naming potion," seryosong sagot ko sa aking lola habang nananatili ang mga mata sa kumukulong tubig. "Ang gagawin ko po ay potion para makapagpalaki ng kahit anong tao, hayop, o kahit bagay."

"Sa Chemistry class ba iyan?" pang-uusisa niya bago lumapit at masuring pinagmasdan ang mga ingredients sa ibabaw ng lamesa.

Ngumiti ako at tumango. Nilapitan ko rin ang mga tinitingnan niya at napatawa ako nang makita ang pandidiri niya habang isa-isa itong tinitingnan. I opened the vial containing a very deep, blood-red liquid and carefully poured five drops of it in the cauldron.

Napaatras ako nang biglang umusok ng kulay pula ang cauldron at pagkatapos ay maingat ko itong hinalo. Dumapo ang tingin ko kay Inang na tahimik na nagmamasid sa akin at nakitaan ko ng pagtatanong ang kanyang mga mata. "Dugo po ng paniki 'yong nilagay ko..." natatawang paliwanag ko habang pinapanood ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"Kanina mo pa ginagawa 'yan, apo. Nakailang ulit ka na ba?" tanong niya.

My lips protruded at her straightforward question. Napakamot ako sa aking ulo at napabuntong-hininga. "I already lost count, Inang. Pero hindi naman po puwedeng sukuan ko na lang ito agad, hindi ba?" nakangiting sabi ko.

Dahan-dahan ding sumilay sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti. "Tama, apo... Ang tunay na sikreto ng tagumpay ay tiyaga at ang patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali. Huwag mong hahayaang sumabay ka lang sa pag-agos ng dagat, ikaw dapat mismo ang magkontrol ng direksyon nito."

Napatango ako dahil sa kanyang sinabi at muling nilapitan ang malaking cauldron. Sunod kong inilagay ang mata ng butiki at ang mga salagubang. Kumuha ako ng kaunting apoy at hinubog ito upang maging isang maliit na bola bago inihalo sa aking niluluto. Pagkatapos umusok dahil sa inilagay ay hinalo ko ito ng tatlong beses bago tinakpan. 

Habang naghihintay sa pagkulo nito ay nagkwentuhan muna kami ni Inang. Madilim na ngayon sa labas dahil mahigit alas siete y media na ng gabi. 

Kakabalik niya lang kanina dito dahil naglinis muna siya ng paaralan kahit na day-off niya. Ang katuwiran niya'y wala raw siyang magawa at nakasanayan niya nang maglinis sa paaralan tuwing nandito kami sa dormitoryo ko.

"Inang, noong kabataan mo po... ano po ang ginawa mong potion bilang proyekto?" kuryosong tanong ko sa nakangiting lola.

Dahan-dahang napawi ang kanyang ngiti bago inilagay sa ilalim ng kanyang baba ang kanyang kamay na tila ba nag-iisip. "Sa pagkakatanda ko... ang ginawa ko noon ay isang remembrall potion."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Remembrall? Ano po iyon?"

"Isa siyang uri ng potion na ginagamit upang alamin kung mayroon bang nakakalimutan ang taong humahawak nito."

Namamangha kong tiningnan si Inang. Mayroon palang gano'n? Kung alam ko lang e'di sana ay iyon ang ginawa ko! Baka mas mataas pa ang maging grade ko kay Ma'am Avila!

"Paano po malalaman na may nakalimutan ang taong humahawak no'n, Inang?" pang-uusisa ko.

Napangiti siya sa katanungan ko. "Kapag naging kulay pula ang likidong nasa loob ng bote, ibig sabihin ay mayroon kang nakalimutan," aniya na siyang nagpamangha sa akin lalo. "Gusto mo bang turuan kita kung paano gawin iyon, apo?"

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon