Kapitulo X - Recurrence

10.6K 651 9
                                    

"Why don't you tell her the truth, Rhein Louisse?" pang-uuyam ni Elise.

Tinitigan siya nang masama ni Louisse bago ibinalik ang tingin sa akin. "Seriously, Amaia? Naniniwala ka talaga sa lahat ng sinasabi niyang katarantaduhan sa'yo?" Bakas ang disappointment sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

I scoffed. "Why don't you give me a reason not to believe her instead?" seryoso at mariing sabi ko sa kanya.

"I don't even need to give you a hundred reasons to believe me, Amaia! Ang tagal na nating magkaibigan! Hindi pa ba sapat na rason 'yon para ako ang paniwalaan mo?"

Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. There's something inside me na gustong maniwala sa mga sinasabi niya pero dahil sa unexpected na nangyari sa Sanctum Academy ay hindi ko na maiwasang magduda kung mayroon nga ba o walang accomplice ang tunay na may kagagawan nito.

Napahilamos siya sa kanyang mukha at muling tiningnan nang matalim si Elise. "What the fuck is your problem with me, Elise?! Wala ka bang mapagbuntunan ng galit mo kaya ako ang nakita mo?"

Sarkastikong humalakhak si Elise. "Wow! Ang galing naman talaga gumanap nitong kaibigan mo 'no, Amaia? Hindi ka ba namamangha sa kanya? Kayang kaya ka niyang bilugin dahil sa talento niyang ito, oh!" natatawang sabi niya sa akin.

Mabilis siyang sinugod ni Louisse ngunit nahawakan ko agad ang magkabilang braso niya kaya napatigil siya. Patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa hawak ko habang dinuduro si Elise. "Walanghiya ka talaga! Dinala mo pa dito sa Sunne ang ugali mo! Kaya ka itinapon ng Dauntless Academy dahil sa bulok mong pag-uugali—"

"Kaya ka rin itinapon dito ng Dauntless Academy, hindi ba?" Napatigil sa pagpupumiglas si Louisse dahil sa sinabi niya.

"A-Anong—"

"You were not a real citizen of Sunne, Ms. Coste. You were a former student of Dauntless Academy at itinapon ka lang din dito ng Lunaticus dahil pamilya kayo ng mga taksil—" Marahas na pumiglas sa hawak ko si Louisse at sinampal siya nang malakas. Napabagsak ako sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakapiglas niya sa akin.

"Hindi totoo iyan! Hindi kailanman nagtaksil ang mga magulang ko sa kaharian ng Galaxias! Hindi ako—"

Ngumisi nang nakakaloko si Elise. "Hindi nga ba? Wala ka rin namang pinagkaiba sa Ate mo, Rhein Louisse Coste..." seryosong sabi niya.

Napatingin sa akin si Louisse. Bakas sa kanyang mata ang takot at pagod. "Amaia, 'wag kang maniwala sa kanya—"

"Hindi ko na alam kung ano at sino ang papaniwalaan ko, Louisse... Pagod na pagod na akong mag-isip. Pagod na akong magtiwala sa kahit sino," naiiyak na sabi ko. "Kaya please lang, tumigil na kayo."

Lumapit sa akin si Louisse at lumuhod sa tabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inangat ang aking tingin sa kanya. Bakas ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. "Amaia, we've been best friends for years! Maniwala ka naman sa akin! Hindi ako katulad ni Ate Reina! Hindi ko gustong pagtaksilan ang Sunne! Wala rin akong balak sirain ang Sanctum Academy! Wala akong balak pabagsakin ang buong kaharian!"

Ngumiti ako nang malungkot at umiling. Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak niya sa akin kaya sinundan niya ito ng tingin. "Kung sino man sa inyong dalawa ni Elise ang nagsasabi ng totoo ay hindi ko na ito balak alamin pa. Nirerespeto kita, Louisse. Nirerespeto ko kung mayroon kang mga bagay na ayaw mong sabihin sa akin lalo na kung may kinalaman ito sa mapait mong nakaraan. Pagod na rin akong mag-overthink sa lahat ng bagay at pagod na rin akong magduda kung totoo rin ba sa akin ang mga taong pinagkatiwalaan ko."

"Amaia, maniwala ka naman sa akin, oh? Kahit ngayon lang! Huwag mo naman akong husgahan dahil lang sa nakaraan ko! Amaia, please..." humihikbing sabi niya sa akin. "I'm really sorry! I'm sorry if I did not say anything about my past before but I am not planning to hide it from you—"

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon