Kapitulo XXVII - Reflection

7.2K 474 5
                                    

"Trusting you before was my biggest mistake, huh?" Nagtiim-bagang ako bago pinagtaasan siya ng isang kilay at masuring tinitigan.

She was talking about herself like she's a different person! Hindi ganito mag-isip si Louisse... Sigurado akong hindi ito ang Louisse na kilala ko.

Mas lalo lang nagpuyos ang aking dibdib dahil sa galit nang unti-unting mapagkonekta ang lahat. She's being manipulated by that manipulative bitch! "Nasaan si Elise?" mariing tanong ko sa kanya.

Dahan-dahang kumunot ang kanyang noo ngunit agad ding napawi. Inilihis niya sa akin ang kanyang paningin kaya agad akong napalingon.

Yumuko ako at mabilis na umilag nang pagkalingon ko ay may biglang sumugod sa aking isang assassin mula sa likuran. Agad kong dinampot ang punyal na nasa lupa at itinarak sa kanyang binti. Binunot ko ito agad at hindi na ininda ang kaunting talsik ng dugo sa aking mukha. Itinulak ko siya nang buong lakas bago sinipa ang kanyang sikmura.

Nang makahanap ng pagkakataon sa kahinaan niya ay inagaw ko sa kanya ang kanyang espada at marahas na pinadausdos sa kanyang leeg. I took that as an opportunity to spin around and slash the sword at the same time. The assassins approaching me at the same time immediately stepped back.

Hinigpitan ko ang kapit sa grip ng espada sa kanang kamay ko at mabilis ko ring pinaikot sa kaliwang kamay ang punyal. Ipinikit ko ang aking mga mata at mas pinatalas ang aking pakiramdam sa paligid.

Biglang umalingawngaw sa aking pandinig ang malamig na tinig ni Santhe. "Let your energy flow from your body into your sword..."

Agad akong napamulat nang may maramdamang sumugod sa akin. Mabilis akong umilag at tinadyakan ang likod ng kanyang tuhod kaya napaluhod siya. Kinuha ko ang oportunidad na iyon upang tumapak paakyat sa kanyang likod upang bumwelo sa pagtalon. Hinayaan kong lumabas ang lahat ng aking enerhiya sa espadang hawak kaya unti-unti itong naglagablab kasabay ng pagtalon ko sa ere.

Nang bumagsak ako sa lupa ay itinarak ko ito agad sa sahig kaya mabilis na kumalat sa paligid ang apoy na nagmumula sa aking espada. Napatalsik silang lahat dahil sa lakas ng impact na ginawa ng pagkalat ng apoy. Inangat ko ang tingin sa kanila bago dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaluhod.

"Killing is not the answer, Louisse... Sumama ka sa akin at ililigtas kita sa pagmamanipula sa'yo ng babaeng iyon," seryosong sabi ko sa kanya.

Inangat niya ang kanyang tingin sa akin. Dumaan saglit ang kalungkutan at takot sa kanyang paningin na agad ding naglaho nang kumurap siya.

Nagulat ako nang bigla siyang umiling at ngumisi. "I already warned you, Amaia..." aniya bago tumingin sa itaas.

Agad akong napatingin doon at umambang iiwas ngunit huli na ang lahat dahil nadaganan na ako ng isang assassin na nagmula sa itaas ng puno. Sinubukan kong magpumiglas sa kanya ngunit nakalapit na rin sa akin ang iba pang mga kasamahan niya. Tinakpan nila ng tuwalya na mayroong matapang na kemikal ang aking ilong at bibig.

Inilayo nila ang lahat ng armas na hawak ko bago idiniin ang mukha ko sa lupa. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko ngunit mahigpit na ang kanilang pagkakahawak sa akin ngayon kaya hindi ako makagawa ng paraan upang makatakas.

"Damn you all— Argh!" Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang pagtarak ng punyal sa aking kaliwang braso.

Nang subukan kong tingnan ang mukha ni Louisse ay nakita ko siyang nakangisi habang katabi si Elise Athena. Ang kaninang naglalagablab na mga puno ay pinalitan niya ng yelo.

Napatingin ako sa lahat ng assassins na ngayon ay nakaluhod ang isang tuhod at nakayuko sa harap niya. Umihip nang malakas ang hangin at nakita ko ang simbolo sa kanilang pala-pulsuhan.

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon