Kapitulo XVIII - Fear

8.1K 533 5
                                    

Ibinaba ko pa lalo ang suot na sumbrero upang matakluban ang aking mukha. Nagsimula akong maglakad papunta sa istasyon ng tren upang umuwi na sa aking apartment dahil doon ang napag-usapang lugar kung saan kami dapat magkikita ni Chrysanthe.

Mabilis akong pumihit pabalik nang makitang may checkpoint ng mga pulis bago pumasok sa train station. Sunud-sunod akong napamura nang malulutong habang naglalakad pabalik ngunit agad akong napatigil nang bigla akong nakarinig ng malakas na pito mula sa isang pulis sa aking likuran.

"Hoy, miss! Bakit ka bumalik?" malakas na sabi niya kaya napalingon sa akin ang mga tao.

"Shit..." malutong na mura ko sa sarili bago hinigpitan ang kapit sa aking dalang bag at nagpatuloy na lang sa paglalakad na tila ba hindi ko alam na ako ang tinutukoy ng pulis.

Muling pumito nang malakas ang isang pulis. "Saglit lang sabi! Nag-iinspeksyon kami dito!" muling sabi niya ngunit hindi ko pa rin ito pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad.

Nakarinig ako ng mabibilis na yabag papalapit sa akin at kasunod no'n ay ang paghawak ng isang mabigat na kamay sa aking balikat. Marahas niya akong hinigit at pilit na iniharap sa kanya kaya namilog ang mga mata ko.

"N-Nandito 'yong suspek!" gulat na sigaw ng pulis na nakahawak sa akin.

Tinadyakan ko agad ang kanyang ari kaya nakawala ako sa kanyang hawak sa akin. Iniwan ko siyang namimilipit sa sakit at tumakbo nang mabilis papalayo. Narinig ko naman ang mga tunog ng pulis patrol mula sa malayo kaya napalingon ako at nakitang may mga sumusunod pa rin sa aking pulis.

"Fuck you all!" sigaw ko sa tatlong gunggong na humahabol sa akin at itinaas pa ang aking gitnang daliri bago tumalikod at lumiko sa may eskinita. Napapikit ako nang mariin nang maalala ang ginawang pagmumura. I really need to remove this bad habit of provoking other people more when I'm panicking! My gosh, Amaia! You fool!

Ginulo ko ang lahat ng bagay na madadaanan at hindi na napigilan ang pagsisilab ng mga ito gamit ang kapangyarihan. Nang makitang nakawala ako sa tatlo ay muli akong lumiko sa isang eskinita patungo sa may main road. Pagkaliko ko roon ay sakto namang may papalapit na dalawa pang pulis na agad pumito nang makita ako.

"What the heck!" iritadong singhal ko bago pumasok sa isang abandonadong building.

May ilang mga humarang sa akin na agad ko namang nalagpasan matapos kong makipaglaban. Damn, I suddenly want to thank Chrysanthe for making me push myself into its limits and learn everything, especially Martial Arts and wielding of different weapons, just to defeat him in every fight we have back in Sanctum Academy.

Habang umaakyat patungo sa rooftop ay may narinig akong mahihinang kaluskos sa paligid na isiniwalang-bahala ko na lang sa pag-aakalang pusa lang iyon. Nang makitang malapit na ako sa rooftop ay halos mapatili ako nang biglang may humila sa akin papasok sa isang pinto sa aking gilid.

Sinubukan kong magpumiglas ngunit natigilan ako nang makitang si Santhe ang humigit sa akin. Sinenyasan niya akong tumahimik at sakto namang narinig ko ang mabibigat na yabag ng mga lalaking humahabol sa akin. Ilang sandali matapos nilang makarating sa rooftop ay agad din silang nagsimulang bumaba.

"Sir, sigurado ka bang dito pumasok ang babae? Bakit wala siya doon sa rooftop?" tanong ng isang pulis.

"Siguradong-sigurado ako! Kitang-kita ng dalawang mata ko na pumasok siya dito!" galit na singhal ng isa pang pulis. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang bigla niyang hampasin nang malakas ang pinto kung saan kami nagtatago ni Santhe. Mabuti na lang ay nahigit agad ako ni Santhe papalayo roon at nagtago kami sa loob ng isang cabinet.

"Inspeksyunin niyo ang buong building na ito! Hindi puwedeng matakasan tayo ng kriminal na iyon!" rinig kong utos niya sa mga kasamahan.

"Sir, yes, Sir!"

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon