Kapitulo XXVI - Flame

7.3K 508 25
                                    

"Si Asher? Pinsan mo siya?" gulat na aniya. "Anak pala siya ni Tita Caroline?"

"Yeah... pero as much as possible ay ayaw niyang ipaalam ito sa iba. Gusto niyang itago ang identity ng anak niya upang maprotektahan ito lalo na't isa siyang propesor sa Dauntless Academy."

Marahan siyang tumango, unti-unting napapagdugtong ang buong kuwento. "That's why he used Greene as his surname, huh..." 

My lips protruded at her comment. "Well, Greene talaga ang apelyido ng Papa niya. To make the long story short... his father left Tita Caroline for another woman from Earth." 

I sighed and decided to change the topic. "Anyway, kailangan ko nang kumilos sa lalong madaling panahon, Angelina."

Napatingin ako sa kanya nang may halughugin siya sa kanyang maliit na bag. Sinundan ko ng tingin ang maliit na diyamanteng ipinatong niya sa ibabaw ng aking palad.

My brow shot up while observing it carefully. "Anong gagawin ko rito? Ibebenta ko?" pabirong sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin bago hinablot mula sa aking kamay ang kulay asul na diyamante. Ipinatong niya ito sa kanyang palad at sinenyasan akong tingnan itong mabuti. Pinaikot niya ang diyamante roon bago pinindot ang ibabaw na bahagi nito. Unti-unting kuminang ito kasabay ng dahan-dahang pagkalat ng liwanag na siyang nagpapakita ng isang malaking mapa.

Ibinaba niya ang lebel ng pagkakahawak niya sa diyamante upang makita namin nang maayos ang kabuuan ng mapa. "Ito ang mapa ng Galaxias. Use this at your convenience."

Namamangha kong iginala ang paningin sa iba't ibang rehiyon sa mapa. Ini-zoom ko ang bahagi ng Sunne at hinanap ang mga pangunahing lugar doon kabilang na ang aming paaralan. Nang i-zoom ko sa ibang bahagi ng mapa ay natigilan ako agad. 

"Nandito tayo ngayon sa kagubatan sa pagitan ng Lunaticus at Sunne?" gulat na tanong ko habang tinititigan ang maliit na bilog na kumikislap pagkatapos kong i-zoom ang aming kinaroroonan.

She slowly nodded. "Bukas ay pupunta na agad ako sa Lunaticus para makahingi na ako ng tulong kay Kuya Linus. Hintayin mo muna akong makabalik dito tapos sabay tayong tutulak patungo roon para makapag-usap na kayo ng pinsan mo," seryosong paliwanag niya.

Nanatili akong nakatitig sa mapa ng Galaxias. "Dapat ikaw ang magdala nito, Angelina. Hindi naman ako aalis dito," suhestiyon ko.

Napakunot ang noo ko nang may pindutin siya sa mapa at may lumitaw na mga kulay pulang bilog sa isang partikular na lugar malapit sa entrada ng Lunaticus. 

"Makikita mo rin dito kapag may paparating o papalapit na tao sa lugar kung nasaan ka. Katulad nitong bilog na 'to..." aniya bago itinuro ang kulay pulang bilog na kalapit ng kulay asul na bilog na kumikislap. "Ikaw 'yan dahil ako ang may hawak nitong crystal ngayon."

Namilog ang aking bibig dahil sa pagkamangha. Dahan-dahan niyang ipinatong sa ibabaw ng aking palad ang kristal at pinanood ko ang pagpapalit ng kulay ng dalawang bilog.

Napataas ang isang kilay ko at naningkit ang mga mata bago tumingin sa kanya. "Where did you get this?" may pagdududang tanong ko sa kanya.

She immediately rolled her eyes and chuckled. "I did not steal that! 'Yan ang ipinasa kong proyekto sa Technology class noon," depensa niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Unti-unting napawi ang ngiti ko nang maalala si Sir Coronado sa aking panaginip. May alam kaya siya sa pagkamatay ng mga magulang ko? I don't think so. Siguro ang alam niya lang ay kung paano inakusahan at idinispatsa ang ina ko...

"Sa tingin mo ba... nasa mabuting kalagayan ang lola ko?" tanong ko sa kanya makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

She sighed. "Sigurado akong mahahanap din natin siya, Amaia..."

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon