Kapitulo XIX - Sanctuary

8.3K 551 50
                                    

Napaawang ang aking bibig dahil sa gulat nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at binalot ng kanyang mga bisig. Nakapatong ang aking ulo sa ibabaw ng kanyang dibdib kaya naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso niya.

"I was damn worried when you did not come back immediately. I blamed myself for allowing you to go and I might also blame myself if something bad happened to you," napapaos na aniya.

Nangilid muli ang aking mga luha dahil sa sinabi niya. The warmth of his hug made me even more emotional. Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan ang mga hinaing niya sa akin.

"The moment your hand slowly slipped away from my hold made me overthink a lot. Naniniwala naman akong babalik ka pero... hindi ko pa rin maiwasang maisip na baka may mangyaring masama sa iyo sa daan pabalik sa akin."

"How did you end up at the building?" kuryosong tanong ko.

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at tiningnan ako nang mabuti. "Noong napansin kong masyado ka nang nagtatagal doon ay naghinala agad ako kaya sumunod agad ako. Nakita ko 'yong abandonadong building at naisipan kong umakyat doon upang makakuha ng magandang view sa buong siyudad mula sa rooftop... nagbabaka-sakaling makita ka. The moment I saw you running away from the policemen, muntik na akong tumalon mula sa rooftop pero mabuti na lang at nakita kitang tumakbo papasok doon kaya napigilan ko ang sarili ko."

Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "You're crazy," hindi-makapaniwalang sabi ko habang naglalakad patungo sa isang nakahigang puno at naisipang umupo roon.

Umangat ang isang gilid ng kanyang labi dahil sa aking sinabi. Nag-ayos siya ng ilang kahoy sa harapan namin at gumawa ng apoy. Pagkatapos ay umupo rin siya sa tabi ko at tahimik na pinanood ang naglalagablab na apoy sa aming harapan. The silence made my heart feel at ease but I realized I needed to voice out my thoughts so that it won't consume me.

"You're right, Santhe. Hindi talaga tayo nararapat na magtagal dito," seryosong sabi ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I saw a bit of hesitation in his eyes which confused me. "Maybe..." pabulong na aniya.

My brow shot up as I stared at the confused and a bit sad expression on his face. "You still think that we should go back to Galaxias... right?" naguguluhang tanong ko sa kanya nang maramdaman ang pag-aalinlangan niya sa sagot kanina.

He cannot change his mind! We've gone this far and now is not the time to back out!

Naramdaman ko ang kanyang titig sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nahalatang may pinipigilan siyang sabihin sa akin. "Wanted ka dito," seryosong aniya na tila ba iyon ang sagot sa aking tanong.

"I'm not talking about that," I hissed, slowly losing my very little patience.

Bumuntong-hininga siya at pagkalipas ng ilang sandali ay muli siyang nagsalita. "You know that I can protect you here, Amaia..." Ramdam ko ang lungkot sa tono ng kanyang pananalita na siyang nagpakunot sa aking noo.

Agad napabalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi. "Sinasabi mo ba sa aking manatili na lang tayo dito?" mariing tanong ko sa kanya. "Why are you suddenly chickening out, huh?"

Bumaba ang tingin niya sa aking labi ngunit agad din niyang ibinalik sa aking mga mata. "Naisip ko lang na pwede naman sigurong dito na lang muna tayo habang—"

Napatayo ako dahil sa gulat. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Chrysanthe?" I scoffed. "You really think that we could stay here? Hindi tayo nababagay dito! Hindi ligtas ang mga normal na tao habang nananatili tayo sa mundong ito! Nakita mo naman ang nangyari sa akin, hindi ba?"

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon