Kapitulo XXIII - Guardian

7.6K 494 14
                                    

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at napaubo nang sunud-sunod dahil sa tubig na nakabara sa aking lalamunan. Basang-basa ang aking buong katawan kaya nakaramdam ako ng kaunting panginginig dahil sa lamig.

Paano ako napunta dito? Hindi ba't tumalon ako kanina sa may talon? Nasa loob pa rin ba ako ng panaginip? Bakit hindi pa rin ako nagigising sa mahabang panaginip na ito?

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at napagtantong nasa loob ako ng isang kagubatan.  Bumagsak ang tingin ko sa isang sanggol na nakapatong sa ibabaw ng kumpol ng dayami at napapaligiran ng mga kambing.

Masakit man ang mga kasu-kasuan ay pinilit ko pa ring tumayo at lumapit sa natutulog na sanggol. Ang puting telang nakabalot sa kanya ay may nakaburdang pangalan.

"Amaia Maxine..." pabulong na basa ko habang nakatingin sa mga letra.

Napalingon ako sa likod nang may marinig na mabibigat na yabag papalapit sa kinaroroonan namin. Sinubukan kong lapitan ito para makita nang mabuti at napakunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na mukha.

Nakasuot siya ng kulay itim na kamisa de chino na nakatupi hanggang sa kanyang siko at faded maong shorts. Mayroong nakasabit na lalagyan ng palaso sa kanyang kaliwang balikat at mayroon ding bitbit na pana sa kanyang kamay.

I slowly stepped backward and hid behind a tree to observe him carefully from afar. The way his cold, piercing eyes bore into mine made me shiver. Alam kong maaaring hindi niya ako nakikita ngayon but the thought of him actually staring at me was heart-stopping. Sa tingin ko ay nasa late-20s na ang kanyang edad kung ibabase sa maturity ng features ng kanyang mukha. Siguro ay mas matanda lang ito ng kaunti sa aking namayapang ina.

Mabilis na dumapo ang tingin niya sa sanggol nang bigla itong gumalaw at humikab sa kalagitnaan ng katahimikan sa kagubatan. Bakas ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa sanggol. Isinabit niya rin sa kanyang balikat ang pana at malumanay na inangat mula sa ibabaw ng mga dayami ang sanggol.

Napaawang ang kanyang bibig habang pinapanood ang pagmulat ng mga mata ng bata. Binasa niya ang nakaburdang pangalan sa puting telang nakabalot dito at bahagyang napakurap. Agad siyang lumingon sa paligid at nagmistulang may hinahanap.

"Symon? Anong ginagawa mo d'yan?" Sabay kaming napalingon ng lalaki sa taong nagsalita mula sa aming likuran.

"Limuel Michelli..." gulat kong sambit habang pinagmamasdan ang lalaking nagsalita. Anong ginagawa ng tito ni Angelina dito? Teka... kung nandito si Limuel at tinawag niyang Symon ang kausap, ibig sabihin...

Napakurap ako at napabalik ang tingin sa lalaking may hawak na sanggol. Kaya pala ang familiar ang mga titig niya! "Symon Austria..." hindi makapaniwalang sambit ko sa kanyang pangalan. Kamukhang-kamukha niya pala si Santhe noong kabataan niya?

"Anak mo?" pabirong tanong ni Limuel.

His sharp gaze bore into him which automatically made him shut up. Napairap ako agad nang mapagtantong kuhang-kuha pala ni Santhe ang ugali ng kanyang ama.

"Kaninong anak iyan?" bawi niya sa sinabi kanina.

Ibinalik ni Symon ang tingin sa hawak na bata. "Kay Amira..."

"What?! May anak kayo ni Amira?" histerikal na tanong niya.

Sabay kaming napatingin nang masama ni Tito Symon sa kanya. "Tanga ka ba? Of course not! Pumunta tayo sa binyag ng inaanak natin, hindi ba? Si Amaia Maxine ito! Anak ni Maximo at Amira!" iritadong paliwanag niya bago ipinakita ang nakaburdang pangalan sa tela.

Namilog ang mga mata ni Limuel habang nagpapabalik-balik ang tingin sa dalawa. "Pero... p-paano 'yan napunta dito? Hindi ba't idinispatsa na silang mag-ina noong isang linggo?" naguguluhang tanong niya. "At saka... sigurado ka bang 'yan ang anak nila?"

Sanctum Academy: The Lost SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon