Black Kingdom (Kingdom Series #3).

377 9 0
                                    

Date Published: April 3, 2021

PROLOGUE.

Nandito ako ngayon sa sala ng bahay at nagbabasa nang nakita kong bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok sa loob si Cyan nang nakangiti.

Tumakbo siya palapit sa 'kin at kumandong sa hita ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa noo niya.

"Nasaan po si papa, mama?" Tanong niya. 

"Nasa kabilang bahay lang at binibisita ang kaibigan niya." Sagot ko.

"Mama, magkwento ka po ulit." Natawa ako ng mahina at tumango. Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Amphitrite.

"Ate, ako na ang magku-kwento sa kaniya." Pag-alok niya at tumango ako. Tumabi siya sa 'ming dalawa at huminga muna ng malalim.

"Ang kwentong ito ay tungkol sa Black Kingdom." Paninimula niya. 

"Una po ay Puissant Kingdom, sumunod naman po ang Frost Kingdom tapos ngayon ay Black Kingdom." Sabi ni Cyan.

"Ang galing naman. Ang daming kaharian sa Magique." Manghang saad niya pa at pumalakpak ng malakas.

"Ang Black Kingdom ay isang kaharian sa Magique kung saan hindi alam ng lahat. Hindi nila alam kung nasaan ang tamang lokasyon nito o kung sino ang namumuno." Paliwanag ni Amphitrite.

"Ang hari ng Black Kingdom ay hindi isang masamang tao. Nanggugulo lang siya dahil sa gusto niyang mahanap ang isang nilalang na hindi mamamatay dahil sa sumpa niya."

"Ano po 'yung sumpa niya?"

"Kapag nagmahal siya, mamamatay ang taong 'yon." Napangiti si Amphitrite ng malungkot. "Ang lungkot naman po no'n, tita."

"Makinig ka ah. Ito ang nangyari sa Black Kingdom at sa hari nito." Nagsimula nang magkwento si Amphitrite at nakinig kaming dalawa ni Cyan ng mabuti.

••••• END OF PROLOGUE. •••••

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now