Chapter 32.

20 1 0
                                    

Date Published: December 16, 2021

AMPHITRITE

Umalis na sila kuya para bumalik na sa kaharian ng Agua. Binigyan ko siya ng tsaa para ipatikim sana kay ate Hail.

Nandito kami ni Lyle sa bintana ng kaharian at nagpapahangin.  Pinaupo ko si Lyle sa bintana habang yakap-yakap siya mula sa likod.

Nakikita kong naglalaro sila Noire at Blanche sa mga puno nang narinig kong tumawa si Lyle habang pinapanood silang dalawa.

"Tuwang-tuwa ka talaga, anak," komento ko at hinalikan siya sa pisnge. Nagulat ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko.

"Alam kong naiinip ka sa tuwing nandito dahil wala kang magawa, bakit kaya hindi tayo maghanap ng mga halaman na pwedeng gawing tsaa?" suhestyon niya.

"Para naman may ginagawa ka dito at para naman hindi na lang lagi ikaw ang nagbabantay kay Lyle." Napa-isip ako sa sinabi niya.

"Kailangan ko munang alamin lahat ng mga halaman dito sa Magique na p'wedeng gawing tsaa o kung ano mang inumin," sagot ko.

"Punta ka kay Blood. Naalala ko na sinabi niyang pinag-aaralan niya lahat ng mga halaman dito." Tumango ako at humarap sa kaniya. 

"Gusto ko din sanang malaman ang tungkol sa paggawa ng tsaa dahil sa gusto kong bayaran si ate Roselinda mula sa mga binigay niyang mga tsaa sa 'kin," saad ko.

"Hula ko ay magugustuhan niya din 'yon kapag natikman niya ang mga ginawa natin. Sana nga lang ay madali lang ang paggawa," komento ko.

"Tutulungan kita sa paggawa at sa pag-aaral para hindi ka mahirapan pa, mahal na prinsesa. 'Wag kang mag-alala," paniniguro niya sa 'kin.

"Ayos lang ba talaga? Ayokong madagdagan pa ang trabaho mo bilang hari." Tumango siya. Kinuha na niya si Lyle mula sa 'kin at hinalikan ako sa noo. 

"Basta ingat lang. Naiintindihan mo?" Tumango ako.

"Naiintindihan ko po, mahal na hari. Babalik agad ako at kung may mangyari mang hindi dapat, magbibigay ako ng senyales sa 'yo."

"Aasahan ko 'yan, mahal na prinsesa." Hinalikan ko siya sa noo at naglakad na ko palabas mula sa kaharian.

•*•*•*•*•*

Nandito na ko sa parte ng gubat kung nasaan ang bahay ni tito nang pinalibutan ako ng mga kalaban.

"Ano na naman ang kailangan niyo?" tanong ko at gumawa ako ng pananggalang nang inatake nila ako.

"Cadit Aqua!" sabi ko at tinamaan sila ng tubig. Nalunod sila doon at 'yon ang dahilan ang pagkamatay nila.

Nagulat ako nang may nakita akong mga makukulay na bilog at tumingin ako sa direksyon na pinuntahan n'on.

Nakita ko si Roseia at nakita kong napunta sa kamay niya ang bilog na makukulay na 'yon. Ang ganda ng mata niya dahil naging kulay bahaghari ito.

Pumasok sa loob ng katawan ang mga bilog na 'yon at aatakihin ko na sana 'yung nasa likod niyang kalaban nang...

"Pheonix," saad niya at may lumabas na isang mabalahibong pakpak mula sa likod niya. Nagulat ako sa nakita ko.

Sumaksak sa kalaban ang pakpak niya at may lumabas na namang bilog at pumasok ulit sa katawan niya.

Hindi ako nakakilos sa nakita ko at doon ko lang napansin sila Asilliré sa likod niya. Tulad ko ay gulat na gulat din sila.

"Anong klaseng kapangyarihan 'yon?" takang tanong ko. 

"Ang ganda ng pakpak! Nakita ko din 'yung pakpak ni Ate Roselia dati! Paano po magkaroon ng pakpak?" rinig kong komento ni Cyan.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon