Chapter 15.

35 2 0
                                    

Date Published: August 19, 2021

AMPHITRITE

Kanina pa ko nakaupo sa upuan dito sa Kaharian ng Black at kanina pa ako naiinip dito sa pwesto ko dahil sa wala naman akong ginagawa.

Ang hirap talaga 'pag walang ginagawa dahil mabilis akong mainip at gusto kong maglakad-lakad kahit na mapanganib sa labas ng kaharian.

"Mahal na hari, p'wede ba kong umalis para bisitahin si papa?" paalam ko. Matagal na din naman akong hindi nakakabisita sa kaniya.

"Sige. Basta bumalik ka ng ligtas." Tumango ako at umalis na ako para pumunta sa Kaharian ng mga Warlock.

~ WARLOCK KINGDOM ~

Agad kong nakita si papa sa trono pagkarating ko pero agad na kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si mama kahit saan.

"Pa? Nasaan po si mama?" tanong ko at naglakad siya palapit sa 'kin. Niyakap niya ko at 'yon din ang ginawa ko.

"Umalis siya para tumulong na ayusin ang gulo sa ibang mundo," sagot niya. Agad kumunot ang noo ko.

"Bakit po tumutulong siya? Ano po ang nangyari?" takang tanong ko sa kaniya.

"Nanggugulo ang mga Underground sa mundo ng manggagaway kaya kailangan niyang tumulong dahil sa 'tin galing ang mga nanggugulo sa kanila," paliwanag niya.

"Gano'n po ba? Sana ayos lang siya," sabi ko. Sana din ay may malaman siya tungkol sa mga Underground na 'yon dahil kulang pa ang impormasyon namin tungkol sa kanila.

"Ayos lang siya, anak. Kasama niya ang malakas niyang kaibigan," paniniguro niya at tumango ako.

"Pa, kilala niyo po si Yvannia, 'di ba? Alam ko pong sinabi niyo hindi niyo po alam kung nasaan siya pero baka po ay may alam ka na pong bago," saad ko at tumango siya.

"Nakausap ko siya ng isang beses pero, hindi gano'n kahaba ang pinag-usapan namin no'ng mga panahon na 'yon," sagot niya.

"Nasaan po siya?"

"Nasa mundo ng mga manggagaway pero hindi mo siya agad makikita o makikilala dahil iba ang kaniyang mukha doon." Kumunot ang noo ko.

"Ano po ang ibig niyong sabihin doon, pa?"

"Matagal nang patay ang nilalang na hinahanap mo pero muli siyang nabuhay bilang isang malakas na nilalang sa mundo ng mga manggagaway," paliwanag niya.

"Pero may naririnig din naman akong usap-usapan na buhay pa siya at sadiyang natutulog lamang ang katawan niya sa mundong 'yon."

"Natutulog?" Tumango siya. 

"Natutulog at hinihintay ang tamang oras upang magising ulit at bumalik dito sa mundo ng Magique."

"Hindi ko alam kung ano ang totoo mula sa mga usapan na 'yon dahil no'ng nakausap ko siya ay may gamit siyang mahika nang mga oras na 'yon hindi pamilyar sa 'kin," paliwanag niya pa.

"Nasaan po siya natutulog? Saang parte ng mundong 'yon?"

"Ang alam ko lang ay isang lawa pero hindi ko alam kung saan banda 'yon. Saka base din sa mga narinig ko ay may nagbabantay sa lugar na 'yon para protektahan ang katawan niya."

"Mas lalo pala ako mahihirapan tungkol diyan," komento ko at umupo sa upuan. Hinawakan niya ko sa balikat ko.

"Kung gusto mo talagang mawala ang sumpa niya, kailangan niyong mahalin ang isa't isa, anak. 'Yon lang ang paraan para matanggal 'yon," sabi niya.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now