Chapter 33.

33 1 0
                                    

Date Published: December 23, 2021

~ A WHILE AGO ~

Nandito si Soul kasama nila Setyr sa kaharian ng Sage at binabantayan lahat ng galaw ng mga kalaban pati na rin nila Dana.

"Dapat tayong maging handa sa susunod na gagawin ni Ursula ngayon dahil sa sumpa niya," saad ni Kyle.

"Alam kong magiging desperado na siya ngayon para mawala 'yon kaya alam kong babalikan niya ang estudyante ni Blood, komento naman ni Setyr.

"Kahit na alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya o kaya kaya siyang protektahan ni Blood ay kailangan pa din nating makasiguro," komento naman ni Sefyr.

Habang nakatingin sa isang salamin ay nakita ni Soul si Dana na may nakitang isang parang maliit na kabibe.

"Hindi, Dana. 'Wag!" sabi ni Soul at bago pa siya mapigilan nila Setyr ay naka-alis na agad siya mula sa kaharian.

•*•*•*•*•*

Nakarating na si Soul sa pwesto nila Dana at agad niyang inagaw ang hawak nito. Nagulat si Dana dahil sa nangyari.

"Anong mayro'n, Soul? Nakita ko lang naman 'yan dahil ang ganda," komento ni Dana. Bibitiwan na sana ni Soul ang hawak niya nang bigla itong sumabog.

Napalipad silang lahat dahil sa lakas ng pagsabog nito at kahit na hinang-hina ay tumayo agad si Dana at hinanap si Soul.

Nang nakita niya itong nakahiga sa sahig at hindi nagalaw ay agad niyang nilapitan ito at niyakap. Inalog-alog niya ito ng marahan.

"Soul... Soul..." Paggising nito at mas lalo siyang kinabahan nang hindi na nahinga ito. Tumulo na ang luha niya at may narinig silang yabag ng paa.

Nakita nila si Ursula na tuwang-tuwa dahil sa nangyari. "Isang pabayang reyna,"nakangiting komento nito.

"'Yan ang nangyayari sa mga pabayang katulad mo. Dahil sa patay na ang hari ay magiging akin na ang mundong 'to," saad niya.

"Hinding-hindi mo makukuha ang mundong 'to! Pagbabayaran mo ang ginawa mong 'to!" May narinig sila Ynna na para bang nababasag na salamin.

Naglakad na paalis si Ursula para pumunta sa kung saan kahit na nanghihina pa rin ito dahil sa mga sugat niya at naiwan ang mga kawal niya.

"Dana, paki-usap, kumalma ka muna," saad agad ni Leirey dahil sunod-sunod na ang pagkabarag ng selyo.

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Dana at bumabagsak ito sa katawan ni Soul hanggang sa tuluyan nang nabasag ang selyo nito.

•*•*•*•*•*

Dito naman sa kaharian ng Agua ay naramdaman agad ni Abrevar ang prisensya ng totoong kapangyarihan ni Dana.

Agad naman siyang kinabahan dahil hindi niya alam kung ano ang naging dahilan para masira ang selyo na 'yon.

"Hail, aalis na muna ako. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata," paalam nito. 

"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong naman ni Hail.

"B-Bibisitahin ko lang si papa sa kaharian ng mga warlock," palusot ni Abrevar at agad-agad itong umalis. Mas lalong nag-alala naman si Hail dahil alam niyang nagsinungaling sa kaniya si Abrevar.

•*•*•*•*•*

Dahil sa tuluyan nang nasira ang selyo ay nag-iba na naman ang porma ng rod ni Dana. Mula sa pagiging isang kros ay naging isang Delphinium ito.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now