Chapter 18.

24 1 0
                                    

Date Published: September 9, 2021

Nandito ang ibang mga kawal galing Kaharian ng Agua malapit sa Kaharian ng Black para sabihan tungkol sa mga nangyayari ngayon.

"Nasaan ang hari niyo?" tanong ng isang kawal sa kawal na taga Kaharian ng Black.

"Nagpapahinga siya ngayon. Bakit? May nangyari ba?" tanong naman ng kawal na taga Kaharian ng Black.

"Nandito kami para sabihan kayo na maghanda dahil sa nagsisimula na naman ang mga kalaban na umatake," pabala ng kawal na galing sa Kaharian ng Agua.

"Gano'n ba? Sige, maraming salamat sa pabala," sagot naman ng kawal na galing sa Kaharian ng Black.

Umalis na ang kawal at ang mga kawal naman ng Black Kingdom at nagkalat na buong lugar para protektahan ang buong lugar.

•*•*•*•*•*

Nagising si Erethra nang naramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa bandang braso niya. Napatingin siya sa doon at nakita niya si Amphitrite.

Napangiti siya ng onti at inayos ang higa nito. Hinalikan niya si Amphitrite sa noo nito at tinitigan ang prinsesa. May narinig din siyang parang nabasag na salamin.

"Ngayon ko lang narinig ang naririnig niya noon pa. Pero bakit ngayon lang narinig 'yon?" komento nito.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin n'on," dugtong niya pa habang nakatitig pa rin kay Amphitrite.

"Sana maintindihan mo kung bakit gano'n ang naging reaksyon ko, mahal na prinsesa," bulong niya at bumangon na mula sa kama.

Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya na malapit nang sumabog para hindi lang mapahamak ang prinsesa nang dahil sa kaniya.

•*•*•*•*•*

Pagkalabas ni Erethra mula sa kwarto ay nagulat siya nang nakita niya si Blood na nakaupo sa upuan na para bang hinihintay siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Erethra.

"Binisita ka lang. Bawal ba? Naistorbo ba kita?" sagot ni Blood at natawa ng mahina.

"Kumusta ka? Mukhang natatakot ka ah. May nangyari bang hindi dapat?" komento ni Blood.

"Natatakot ka ba sa mga mangyayari?" Tumango si Erethra.

"Ayoko siyang madamay dito at mapahamak. Ayoko siyang mawala sa 'kin."

"Alam ko pero gusto ka niyang tulungan kaya nga niya ginagawa 'to, Erethra." Tumango si Erethra at tumabi kay Blood.

"Alam ko naman 'yon pero ang problema ay sa pagtulong niya sa 'kin, mapapahamak naman siya."

"Anak siya nila kuya kaya alam kong kaya na niyang protektahan ang sarili niya. Magtiwala ka lang sa kaniya." Wala nang nagawa si Erethra kundi ang tumango na lang.

"Magtiwala ka naman sa kaniya dahil sa mga oras na 'to, 'yon ang pinaka-kailangan niya mula sa 'yo," saad ni Blood.

Napabuntong hininga na lang si Erethra dahil sa narinig niya at umupo sa upuan.

"Tiwala at suporta ang kailangan ni Trite mula sa 'yo at hindi ang negatibong emosyon mo. Tandaan mo 'yan," dugtong pa ni Blood.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now