Epilogue.

65 1 0
                                    

Date Published: January 6, 2022

AMPHITRITE

Nandito pa din kami sa loob ng kaharian hanggang ngayon at napansin namin na medyo kumalma na ang nangyayari sa labas.

"Kumalma na ang kapangyarihan ni mama. Napigilan na siya ni papa?" tanong ni Kuya Abrevar.

"Oo, mukhang gano'n na nga. Hintayin na lang natin sila dito na bumalik," suhestyon ni tito Blood kaya naman umupo kami sa upuan habang hinihintay sila mama na bumalik dito.

•*•*•*•*•*

"Tito, tanong ko lang po," paninimula ko habang hinihintay sila papa na bumalik dito.

"Gusto ko lang po malaman kung paano niyo napag-aaralan ang mga halaman na pinag-aaralan niyo po?" tanong ko.

"Gusto ko po kasing gumawa ng tsaa gamit ng mga halaman dito para hindi na po namin kayo naiistorbo pa," dugtong ko pa.

"Ang ginagawa ko kasi ay ginagamit ko ang mahika ko para diyan. Ang mahika ko ang magsisilbing detektor ko," paliwanag niya.

'Mahika niya ang gamit niya para maging detektor...?'

"Kailangan mong mapag-aralan kung paano 'yan kaya sa ngayon, ibibigay ko na lang muna sa 'yo ang mga halaman na kakailanganin mo," suhestyon ni tito at tumango ako.

"Salamat po," masayang sagot ko at tumahimik na ulit.

•*•*•*•*•*

Agad kaming lumapit kay papa nang nakita namin na inaalalayan siya ni Erethra. Agad namin siyang pina-upo sa upuan. Hinawakan ni tito si papa sa noo nito.

"Sira-ulo ka talaga, kuya. Talagang ginamit mo 'yon? How many times do I have to tell you, not to use it?" galit na tanong ni tito.

Sa totoo lang ay hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya dahil ibang lengwahe 'yon.

"Kung galit ka, galit lang. 'Wag mo nang ibahin ang lengwahe mo. Hindi kita naintindihan," sagot ni papa.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na 'wag mong gagamitin ang kapangyarihan mong 'yon? Dahil sa 'yo ay nasira na ang selyo ni Dana!" sigaw pa ni tito.

"Alam ko pero wala akong magagawa. Kung hindi ko gagawin 'yon, mamamatay naman ako at mas lalong lala si Dana," kamladong saad ni papa.

"Ano po ba ang nangyari? Paano po nangyari 'yon?" nag-aalalang tanong ko naman.

"May nahawakang bomb shell si Dana kanina," paninimula niya.

"Bomb! Boom boom!" pumapalakpak na saad ni Cyan habang karga pa rin siya ni tito sa bandang balikat nito.

"Bakit nandito 'yang batang 'yan? Alam ba ni Aqua ang tungkol dito?" - Papa.

"Nagpaalam naman siyang sasama sa 'kin kaya pumayag siya." Napatango si papa.

"Bomb shell... Sumabog ito at natamaan ka pero bago pa sumabog 'yon ay nakagamit ka na ng mahika para hindi ka mamatay," komento ni Erethra at tumango si papa.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now