Chapter 30.

20 1 0
                                    

Date Published: December 2, 2021

AMPHITRITE

~ A WHILE AGO ~

Naglalakad kami ni Roséia pabalik sa Magique at nandito na kami sa gubat ng Arizalma. Ginawa na niya 'yung ritwal para buksan ang daanan.

"Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi itinuro 'to sa 'min nila papa," komento ko nang may naalala ako.

"Base po kasi kay Professor Blood ay delikado daw ang rituwal. Isang mali lang ay pwede nang masira ang daanan at hindi na ito bumukas pa." Napatango ako.

"Gano'n pala 'yon. Delikado nga kung mangyayari 'yon. Baka hindi pa makabalik sila ate Aqua kapag nagkataon," sagot ko.

Naglakad na kami papunta sa daanan at pagka-apak ko sa damuhan na nasa Magique ay agad akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan.

Nabitiwan ko 'yung hawak ko at agad lumingon si Roséia sa 'kin.

"A-anong nangyari?" tarantang tanong niya.

"Ang sakit. Manganganak na ata ako," sabi ko at inalalayan niya kong humiga sa damuhan. Nakita ko siya na tumitingin sa paligid.

"Puntahan ko na lang si Professor Blood. Dito ka lang. Hindi ako marunong sa ganito," saad niya at tumayo.

"I, Roséia Crossevell, I open the gate of the White World, I'm calling you, Vindex: The Defender," rinig kong saad niya.

Hindi ko na pinansin pa kung ano ang ginawa niya at sinubukan nang i-ere ang sanggol. Hindi ko na rin naman kayang tiisin pa.

"Ahh!" sigaw ko nang naramdaman kong malapit na itong lumabas. Maya-maya lang ay may narinig na kong iyak ng bata.

Napangiti ako ng onti at nawalan na ko ng malay dahil sa sobrang panghihina.

•••••

THIRD PERSON

Inihiga na ni Blood si Amphitrite sa kama at tinignan kung may galos ba ito o kahit na anong sugat na hindi nila nakikita.

"Mahal na hari, abae po ba o lalaki ang anak niyo?" tanong ni Roséia kay Erethra habang nilalagyan niya ito ng tela sa buong katawan.

"Lalaki," nakangiting sagot nito at napatingin si Roséia.

"Titignan ko po siya kung may sugat din ba siya o wala po, mahal na hari," sabi ni Roséia at nagtaka si Erethra.

"Hayaan mo siyang tignan ang anak niyo, Erethra. Isang manggagamot si Roséia at titignan niya lang ang anak niyo," sabi ni Blood.

"Gano'n ba? Sige..." Binigay ni Blood ang anak niya kay Roséia at tinignan na niya agad 'to.

"Malusog siya kaso mayro'n siyang malakas na kapangyarihan at delikado ito..." Agad kinabahan si Erethra dahil sa narinig niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni Erethra.

"May posibilidad na hindi niya ma-control ang kapangyarihan niya kapag nasa tamang edad na siya, mahal na hari," seryosong saad ni Roséia.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now