Chapter 4.

48 2 0
                                    

Date Published: June 4, 2021

AMPHITRITE

Pagkabalik ko sa kaharian ay naabutan ko si Erethra na nakaupo sa trono habang nakatingin sa kawalan. Lumapit ako sa kaniya.

"Mahal na hari, para sa 'yo." Inabot ko sa kaniya 'yong baso. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa baso.

"Ano 'yan?"

"Inumin na ginawa sa mundo ng manggagaway. Ito ang iniinom nila kapag mayro'n silang mga sumpa kaso hindi namin alam kung e-epekto ito sa isang taga ibang mundo." Paliwanag ko.

"Sige. Subukan natin lahat ng dapat nating gawin para makawala sa sumpang 'to." Kinuha na niya 'yong baso at ininom.

Sana ay umepekto 'yon. Kinakabahan ako dahil ayoko na siyang mahirapan pa. Tapos na niyang inumin ang binigay ko at tinitigan ko siya.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ko.

"Wala naman akong ibang nararamdaman." Napabuntong hininga ako.

"Kung gano'n, hindi sapat ang kapangyarihan nito para sirain ang sumpa." Napalingon kami kanila mama.

"Kailangan niyo talaga si Yvannia para dito." Komento ni papa at napabuntong hininga kami.

"Kung p'wede lang talaga si Ynna ngayon ay hula ko may pag-asa kaso... Masyado siyang abala ngayon." Komento ni mama.

"Si master kaya?" - Papa.

"Subukan natin?" Tumango si papa at umalis na agad si mama.

"Maraming salamat sa tulong kahit na puro gulo lang ang binibigay ko sa inyo." Hinawakan ni papa ang balikat ni Erethra.

"Ayos lang. Parte ka na ng pamilya namin, Erethra. Kaya 'wag ka ng mag-alala pa."

"Salamat po, mahal na hari." Nakangiting sagot ni Erethra at hinintay na namin bumalik ulit si mama.

DANA

Kumatok agad ako sa pintuan ng bahay nila papa at agad 'yon binuksan ni kuya. Hinawakan ko siya sa braso.

"Kuya, si papa?" Kumunot ang noo niya.

"Anong nangyari? May nangyari ba kay Aqua?" Umiling ako.

"Nagkukulong pa din naman siya sa kaharian ng Sage kaso si Amphitrite. Gusto niyang tulungan si Erethra." Sagot ko.

"Gano'n ba? Wala si papa ngayon dahil may pinuntahan." Napabuntong hininga ako.

"Anak? May problema ba?" Napalingon ako kay papa at agad akong lumapit sa kaniya.

"Kailangan po ni Erethra ng tulong, papa." Huminga siya ng malalim.

"Pasensya na anak pero wala akong magagawa para diyan. Wala akong kakayahan na magtanggal ng sumpa." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Okay po. Naiintindihan ko po." Sagot ko at niyakap siya.

"Pasensya na talaga, anak." Bulong niya.

"Ayos lang po, papa." Sagot ko at humiwalay na.

"Balik na po ako." Tumango siya at bumalik na ko sa Magique.

•*•*•*•*•*

Habang naglalakad pabalik sa gubat ay napatingin ako sa bandang academy at huminga ng malalim.

'Hula ko ay wala namang mawawala kung tatanungin ko si Ynna.' Saad ko sa isip ko at naglakad papunta sa academy.

•*•*•*•*•*

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now