Chapter 3.

53 2 0
                                    

Date Published: May 28, 2021

AMPHITRITE

Tapos na kaming kumain ni Erethra at nandito pa din kami sa loob ng kaharian niya para mas magkakilala pa.

"Mahal na hari, wala ka bang mga kapatid?" Tanong ko sa kaniya at umiling siya.

"Wala, mahal na prinsesa. Pagkatapos akong ipanganak ay ayaw na ni papa na magka-anak pa ng isa." Sagot niya.

"Bakit naman?"

"Hindi ko din alam, sa totoo lang. Kaya masaya akong maging kaibigan sila Blood dahil sa parang kapatid na din ang turingan namin." Sagot niya.

"Nasaan pala ang mga magulang mo?" Tanong ko naman sa kaniya at agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Hindi ko alam kung nasaan sila, sa totoo lang. Iniwan kami ni papa no'ng bata pa lang ako at pagkatapos akong sumpain ni mama ay umalis na siya at iniwan akong mag-isa." Nalungkot ako sa narinig ko.

"Ang sama naman nila para iwan kang mag-isa, mahal na hari." Ngumiti siya ng malungkot sa 'kin.

"Kaya ko nga ginawa ang kaharian na 'to para protektahan ang sarili ko. Kaya ko din ginamit ang mga namatay nang mga kawal para wala akong masaktang iba." Seryosong saad niya.

"Hahanap tayo ng paraan para mawala ang sumpa mong 'yan. 'Wag kang mag-alala at mawawala din 'yan." Paniniguro ko sa kaniya at ngumiti siya sa 'kin.

"Una na ako para makapaghanda sa kasal nating dalawa, mahal na hari." Tumango siya at tumayo na ako para pumunta sa teritoryo ko.

•*•*•*•*•*

Nandito ulit ako sa teritoryo ko at inaayusan na ko ng mga diwata. Ngayon na ang kasal namin dalawa at kinakabahan ako.

"Kalma lang po, prinsesa. Magiging okay lang din po ang lahat." Tumango ako at huminga ng malalim.

"Sana ay magustuhan niya ang ayos ko para hindi naman nakakahiya masyado." Komento ko at tumayo na dahil tapos na nila akong ayusan.

Napalingon ako sa yabag ng paa at nakita ko si Erethra kasama ang mga kawal niya. Naglakad siya palapit sa 'kin.

"Halika na, mahal na prinsesa." Hinawakan ko na siya sa braso niya at pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang kasal.

•*•*•*•*•*

Nandito kami sa isang hardin at nasa harap sila lolo Setyr. Tapos na ang seremonya at kinakausap nila lolo si Erethra.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, Erethra. May tiwala kami sa 'yo." Saad ni lolo Kyle.

"Opo. Ako na po ang bahala sa kaniya." Sagot ni Erethra at ngumiti ako.

"Sige na. Bumalik na kayo at mas kilalanin pa ang isa't isa." Bumalik na kami sa Kaharian ng Black tulad ng sinabi nila.

•*•*•*•*•*

Nasa harap ako ng isang bintana habang katabi si Erethra ng tahimik. May sariwang hangin din na pumapasok dito.

"Erethra, gusto kong maghanap na ng paraan para matanggal ang sumpa mo. Kaya madalas akong mawawala dito." Paalam ko.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now