Chapter 28.

24 1 0
                                    

Date Published: November 18, 2021

AMPHITRITE

Nang nakita kong nakatulog na si Erethra ay dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at naglakad na palabas.

Lumapit ako sa mga kawal para magpaalam sa kanila. Ayoko namang mag-alala si Erethra dahil pag-gising niya ay wala ako dito sa kaharian.

"Pupunta lang ako kay Tito Blood para kumuha ng pampakalma kay Erethra. Ayokong makapatay siya dahil sa nakakaramdam siya ng negatibong emosyon," paalam ko.

"Sige po, mahal na reyna. Kami na po ang bahalang magsabi sa kaniya kapag nagising po siya," sagot ng kawal kaya naman napangiti ako.

Naglakad na ako palabas ng kaharian para humingi ng tea kay Tito Blood dahil alam kong magugustuhan din 'yon ni Erethra kapag nainom na niya.

•*•*•*•*•*

Nandito ulit ako sa labas ng kaharian at hinahanap ang maliit na bahay ni tito Blood para manghingi sana ng tea na pina-inom niya sa 'kin no'ng nakaraang araw.

Nang nakatulog na si Erethra ay agad kong sinabihan ang mga kawal na bantayan siya dahil pupuntahan ko si tito para kausapin.

Nang nakita ko 'yung bahay ay agad akong lumapit doon at kumatok ulit. Agad namang bumukas 'yon at nakita ko si tito na nainom.

"Ano na naman ang kailangan mo?" tanong niya. Napatingin ako sa loob at nakita ko sila Assilirré at ang iba pa na nandito.

"Tito, penge po ako ng tea na tinatawag mo. Papainom ko lang po sana kay Erethra para kumalma naman po siya," sabi ko.

"Nainis kasi siya kanina nang sinugod ang kaharian ng mga kalaban kaya medyo hindi maganda ang pakiramdam niya," dugtong ko pa.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at agad na kumunot ang noo niya. Nagtaka naman ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Buntis ka ba?" Tumango ako. Napa-iling na lang siya at sinenyasan niya kong pumasok. Umupo ako sa upuan.

"Pangpakalma... Saglit lang, tignan ko kung mayro'n pa ako dito." Tumango ako at hinayaan na lang siya muna maghanap.

Hindi na ko nagsalita pa at hinintay na lang si tito habang pinapanood 'yung iba habang may ginagawa sa isang mahabang lamesa nang may napansin ako.

"Kamukha niya si Roselia," komento ko at napalingon sa 'kin 'yung tinutukoy ko. Nginitian niya ko at doon ko lang napansin na kamukha niya din si tita Ynna.

"Ako si Roséia. Kapatid ko si Roselia at hindi lang ikaw ang unang nagsabi niyan," sagot niya sa 'kin at napatango ako.

"Sino ang mas matanda sa inyo?"

"Sa totoo lang ay hindi ko alam eh." Napatigil siya mula sa paggawa ng gamot ata 'yon gawa sa mga halaman.

"Ang mga sinaunang mangkukulam kasi ay sunod-sunod manganak kaya hindi namin alam kung sino ang mas nauna o hindi."

"Isang sinaunang mangkukulam si mommy kaya isa siya sa mga onting mangkukulam na nanganganak ng sunod-sunod," paliwanag niya.

"Gano'n pala 'yon. Masyado din palang komplikado ang inyo," komento ko naman at tumango siya.

"Ang pinagkaiba lang kasi ni mommy kay lola ay hindi isang mangkukulam si lola ay pa isa-isa ang panganganak niya kaya si mommy ang pinakabunso," pagkuwento niya pa.

Black Kingdom (Kingdom Series #3)Where stories live. Discover now