UniCoco - (Untitled 1)

6.3K 126 10
                                    

Coleen's

"Ate Eckaaaa!"Sigaw ko naman sa kanya.

"Saglit nagluluto ako!"Sigaw niya din pabalik.

"Ang tagal mo naman diyan."Inis kong sabi,kanina pa nagluluto don hanggang ngayon di pa tapos.

Kakatapos ko mang din kase na mag-live sa Kumu.

"Eh sa matagal maluto yung pancit canton."Sabi niya at umupo sa tabi ko habang hina-halo yung pancit canton niya.

"Yung sigawan niyo dinig sa labas."Sabay pasok ni Ate Brei.

"Malamang nasa labas din ako. Tsaka ba't ka pumasok dito?"Masungit na tanong ni Ate Ecka.

"Ingay niyo eh,nanonood kami don yung sigaw ni Ecka galing kusina napaka-lakas."Reklamo ni Ate Brei.

"Tara na nood na tayo."Lumabas naman kami habang si Ate Ecka dala dala yung pancut canton niya.

Sa gilid ako ng couch umupo tapos sila Ate Abby nasa sahig at nakikipag-landian kay Ate Sela,tapos bukas niyan ibang babae naman kasama.

"Watssup Gabo."Napalingon naman ako sa tinignan nila Ate Sela.

Si Ate Gabb na mukhang kakagising lang. Gulo gulo buhok eh. Ba't ang pogi pa den?

Umupo naman siya sa tabi ko.

Di naman ako kumibo,kinikilig ako wag kayo.

"Si Gabb tulog ng tulog,tapos mamaya tulog ka na naman."Reklamo ni Ate Gia.

"Eh inaantok ako."Sumandal naman siya sa balikat ko tsaka hinawakan yung kamay ko.

Agad namang napatingin sakin sila Ate Ecka,buset.

'Ano na naman?'I mouthed at them.

Nginuso lang nila yung kamay namin ni Ate Gabb.

"Sanaol."Comment naman ni Ate Sheki tsaka humawak sa kamay ni Captain.

"Sanaol matangkad,Sheki?"Asar ni Ate Sela.

"Dun ka nga."Tulak niya pa dito.

"Asan nga pala si Amat?" Biglang tanong ni Ate Gia.

"Lumabas, kasama sila Yzabel. Bumili ata?" Sagot naman ni Ate Sheki.

Napatango na lang si Ate Gia at pinagpatuloy na ang panonood.

Maya maya lang ay dinig ko na kaagad yung maliliit na hilik ni Ate Gabb,inayos ko naman yung pagkakahiga niya. Bakit parang ang init niya?

May sakit ba to?

"Huy"Kinalabit ko si Ate Ecka tsaka tinuro si Ate Gabb.

"Anong gagawin ko diyan?"Nilagay ko yung kamay niya sa may noo ni Ate Gabb.

"Nilalagnat si Gabrielle."Sabi  ni Ate Ecka sa iba kaya naman napatingin sila.

"Kaya pala nanlalata kanina pa, tapos tulog ng tulog. Buti na lang wala tayong event bukas hanggang next week."Captain Alice.

"Gabb,dun tayo sa kwarto niyo."Bulong ko sa kanya.

Dumilat naman siya tsaka dahan dahang tumayo.

Tumayo na rin ako tsaka inalalayan siya pabalik sa kwarto nila. Humiga naman siya, kinumutan ko na din siya.

"Dito ka muna,kuha ako pagkain mo Ate Gabb,tsaka gamot mo na din."Sabi ko bago lumabas ng kwarto.

"Oh asan na?"Tanong ni Ate Gia.

"Ah nasa kwarto. Kuha lang sana ako ng pagkain niya para maka-inom na siya nang gamot."Kumuha naman ako ng pwede niyang kainin tsaka kumuha na din ng gamot.

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now