UniCoco - Last

1.3K 49 16
                                    

Coleen's

"Nag-enjoy ka ba Ate Gabb?" Ngiting tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Thank you Coco ha?" Ngumiti naman din siya saken.

Yung mga ngiti niyang mahuhulog ka ng sobra.

"Kala ko di mo na-enjoy." Sabi ko pa sa kanya.

"Saya mo kaya kasama." Umakbay naman siya sakin.

Ang lakas talaga ng epekto niya sakin. Yung tibok ng puso ko hindi ko na makontrol.

"Sayang lang talaga't hindi pwede si Ella." Kumirot naman yung puso ko.

Oo nga pala, si Ate Ella pala dapat yung kasama niya dito. Kaso may kailangan siyang asikasuhin,eh ako lang naman yung free sa dorm. Busy sila sa mga jowa nila. Eh wala naman akong jowa.

"S-Syempre. Kesa naman wala kang kasama." Sige Coleen.

"Hays, kase naman inuna pa yon kesa dito sa date namin. Pero di naman din nasayang kase andiyan ka." Di ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Di naman ako kumibo. Bigla namang nag-ring yung cellphone niya.

"Sagutin ko kang tawag ni Ella." Lumayo naman siya ng kaunti sakin.

"Sana ako na lang si Ate Ella." Bulong ko habang tinitignan siya.

Kung paano siya ngumiti sa pakikipagusap niya dito.

Swerte nga ni Ate Ella sa kanya. Isang Gabrielle Skribikin na yan oh. Ilang babae o lalaki ang naghahangad sa kanya. Tapos siya hinahabol-habol ni Ate Gabb.

Mukhang na-enjoy nila pag-uusap don. So binuksan ko na din yung phone ko.

Kita ko naman yung IG story ni Ate Ella. 18 hours ago na yun, di din naman kase ako active sa ngayon.

It was their phone. Tangina. Wala na bang isa-sakit tong araw na to?

Kasunod naman yon ng IG story din ni Ate Gabb.

Ang sakit sobra, gusto ko na lang maiyak sa sakit.

Naalala ko lahat ng mga bagay na ginagawa niya saken noon, na kay Ate Ella niya na ginagawa ngayon. Ano yon? Sakin nag-practice?

Pero tanga din ako, nagpadala ako sa lahat ng aksyon niya. Kahit na alam kong malabo,malabo na gustuhin niya ako pabalik. Kayo kase, shini-ship niyo ko sa kanya! Ayan tuloy.

"Uy Coleen! Tara na. Andon na daw siya." Napalingon ako sa kanya. Alam kong pagdating naman sa dorm, wala na ulit siya sakin. Gusto ko pa siya kasama.

"Huy. Tara na kako, hinihintay na tayo nila Captain." Nila Captain? O ni Ate Ella?

"A-Ate Gabb p-pwedeng mamaya na muna tayong u-umuwi?" Selfish na kung selfish, kahit sana itong gabi na to oh, last na.

"Ha? Eh hini--" Pinutol ko na kaagad yung sasabihin niya.

"Please,Ate Gabb. T-Tsaka may sasabihin din sana ako." Aamin na ako.

"Saglit lang, ite-text ko lang sila." Kinuha niya yung cellphone niya pero agad kong kinuha at nilagay ko sa bulsa ko.

"Coleen naman! Akin na yan, baka magalit sakin si Ella kapag di ako nag-text sa kanya. Tsaka sila Ate Alice din!" Reklamo niya.

"Can you stop talking about her? Just this time?" Nag-iba naman yung awra ng mukha niya.

"Give me back my phone Coleen, ite-text ko lang sila." Seryoso niyang sabi.

"Gaano ka kamanhid Ate Gabb?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?" Halatang naguguluhan na siya.

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now