UniPhant ft. Rans- Acceptance

979 37 3
                                    

Gabb's P. O. V.

'Ella will like this.' I whispered while starring at these paper bags.

I hop in my car then proceed to the mansion.

Sana lang magustuhan niya tong binili ko.

My phone ringed, it's Ate Gia.

"Skribikin, asan ka na ba? May event pa tayo bukas ha?"

"I'm on my way Ate. Bumili lang akong pasalubong for her."

"Gabb."

"Stop worrying Ate, pauwi na ako. Hintayin niyo ko ha!" I ended the call. Papagalitan lang ako non eh.

After 20 minutes of driving nakauwi na ako sa mansion. Hays. Kapagod.

Kinuha ko na yung bulaklak at chocolates na binili ko kasama ang isang Elephant na plushie.

Miss ko na si Akin.

Dumiretso na ako sa kwarto namin.

Then I saw her, she really looks beautiful with her white dress on that I gave her ng mag-birthday siya.

"Hi Akin." Humalik naman ako sa pisnge niya. I made sure that I locked the door.

Mga istorbo pa naman yong mga yon.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay." Malungkot niyang sabi. Miss niya na ako.

"Sorry na. Binilhan pa kase kita nito oh." Ibinigay ko sa kanya yung mga binili ko.

Ngumiti naman siya sakin hindi niya na napigilan yakapin ako.

"Bakit di ka nag-text ha?" Tanong niya naman. Humiga kaming dalawa sa higaan ko.

"Sorry na. Andito naman na ako eh." Kiniss ko siya sa labi niya.

Lambot ng labi bwisit.

"Ops, di ka na nagpapaalam humalik ha." Inilagay niya yung pointing finger niya sa labi ko.

Ki-kiss ko pa siya sana ulit ng makarinig ako ng katok.

"Gabb, tara na. Kakain na tayo."

"Hoy Gabb ba't ka ba naglalock ng pinto." Isang sigaw pa mula ka'y Ate Sela ang narinig ko.

"Wait lang Akin ha? Mag-ayos ka na. Baba na tayo." Tumayo naman ako sa higaan ko tsaka dumiretso sa pinto.

"Tagal mo namang buksan. Tara na." Hinawakan ni Ate Sela yung kamay ko at akmang lalakad na ng pigilan ko siya.

"Ate saglit lang. Si Ella nasa loob pa. Sabi ko sabay kami." Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Gabb, anong Ella? Wala na si Ella, Gabb." Napatawa naman ako sa kanila.

Nababaliw na naman sila.

"Anong wala, Ate magtatampo sa inyo si Ella." Ate Gia suddenly pulled me in a hug. Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak.

"Gabb, let her go. Wala na si Ella." anong bang pinagsasa-sabi nila?!

"Ate Gia, isa ka pa eh. Magtatampo na si Ella sa inyo!" Inis kong sabi sa kanila.

"Ang tagal niyong bumaba, ano ba yan?" Biglang sulpot nila Ate Alice kasama si Ate Rans.

"Bakit umiiyak yan?" Tanong ni Ate Kay.

"Ate,kausapin mo nga yang dalawa. Sinasabi ba naman na wala na si Ella, eh nasa loob lang naman siya nag-aayos. Magtatampo na talaga sa inyo si Ella."

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now