Replaced - AlyRans

459 20 2
                                    

Rans'

"Hi wifey!" Masiglang bati ko sa girlfriend ko thru video call.

She's Japan kase. Habang ako? Nandito sa Pilipinas, sinusuportahan siya sa pagiging Idol niya.

"Hi." Pagod sigurado ang wifey ko.

"Pagod na pagod naman ang wifey ko."

"Yeah, after ng events diretso photoshoot kami." Sabi niya habang nakatingin kung saan. Sa laptop niya siguro.

"Tapos trabaho pa din yan? Aly naman. Take a rest wifey."

"A-Ah oo. May tinatapos lang ako. Mamaya din matutulog na ako." She's being like that since last month. Pero dahil maintindihin akong girlfriend, syempre iniintindi ko siya. Mahal na mahal ko kaya yan.

Kahit pa iilang tao lang nakaka-alam na ako ang girlfriend niya. Alam ng mga fans niya na she's into girls. Pero pinagbawalan siya ng management niya na ipaalam na may girlfriend siya. Kaya eto. Tago tago.

"You want me to end this video call? Para naman makafocus ka na diyan at matapos ka kaagad. Pahinga ka after."

"Hmm. Sige." she said without looking. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Ingat ka always huh? I love you. Message me when you wake up." Sweet kong sabi. Hoping that she will look sa cam.

"Yeah you too."

I decided na i-end na lang yung call.

Bakit ba kase naging ganito kami?

We met around 2017, audition siya sa grupong kinabibilangan niya ngayon. Which is MNL48.

Nakapasok siya, while me? Hindi. We became friends. Hanggang sa umamin siya. Niligawan niya ako ng 3 buwan. Ok naman kami. Punta siya sa bahay kapag free time niya. Minsan lumalabas kami. Pumupunta ako aa mga events nila.

Hanggang sa sinabi niya sakin na kailangan nilang pumuntang Japan.

Half of their group needs to go to Japan including her.

Nung mga unang buwan, ayos naman. Lagi kaming magka-usap. Siya pa nga ang unang tumatawag kahit pa pagod na pagod siya.

Pero last month lang ng magbago lahat.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kase sigurado naman ako sa sarili ko na wala akong ginagawa.

She became cold sa chats, pero mas malamig siya kapag magka-usap kami sa call.

Wala na siyang time.

Ok lang sakin yon.

Pero alam mo yung masakit?

Malayo na nga siya saken, tapos makikita ko siyang nili-link sa iba't ibang babae.

Lalo na sa ka-member niya na si Joyce.

Ok naman sakin yon. Ofcourse it's a normal thing kapag nasa isang grupo ka. Pero iba kase, the way they look to each other. Kung paano sila maglambingan infront of the others, kung paano sila ngumiti whenever people are chanting their shipname.

Sobrang sakit lang na nagagalit siya sakin tuwing sinasabi kong nagseselos ako.

"Ano na naman ba? Ilang beses ko bang sasabihin sayo Rans na magkaibigan lang kami!" Inis niyang sabi habang magkausap kami.

"Aly, di mo naman ako masi-sisi eh! Aly malayo ka saken! Tapos ganyan ka pa! Anong gusto mong isipin ko?"

"Putangina! Wala ka bang tiwala saken? Ganon na ba tingin mo saken?!" Namumula siya. Nakainom na. Tapos eto, inaaway ko pa.

"Pagod ka na tapos ito pa ibubungad sayo. Di ba pwedeng magpahinga muna ako Rans? Bukas mo na lang ako ganyanin. Mas lalo mo lang akong pinapagod." Hindi na ako nakapagsalita ng i-end niya yung video call.

Napatingin na lang ako sa article na nabasa ko.

Aly of MNL48 says that it's not impossible for her to fall for her co-member MNL48 Joyce:

-"We're both single naman po, and besides, our 1 year love ban is done already. Tsaka Joyce is really beautiful. Galing pa sumayaw." She said on the interview.

Simula ng araw na yon, napapadalas kaming mag-away. Mas lumamig ang pakikitungo niya sakin.

"Iniiyak mo diyan?" Mapang-asar na tanong ni Ecka.

Ka-member to ni Aly. Pero hindi siya nakasama sa Japan dahil may mga projects siya dito.

"Alam mo na."

"Shh, wag ka ng umiyak. Babalik na sila next week diba?" Nakayakap lang siya sakin.

"Ecka, paano kung ipagpalit niya na ako?" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya hinampas ko siya.

"Ano ka ba naman Rans. Tignan mo nga si Belle. Nashi-ship kay Abby diba? Pero di naman ako pinagpalit." Tangina. Magkaiba naman kami. Si Belle patay na patay sa kanya.

"Kaya wag ka na mag-isip ng kung ano ano. Ok? Matulog ka na. Libre kita bukas."

"Kaya lab kitang bespren ko eh!"

Natawa na lang siya salen.

BREAKING NEWS!: MNL48 ALY AND MNL48 JOYCE CONFIRM THEIR RELATIONSHIP 2 DAYS AFTER THEIR ARRIVAL HERE IN THE PHILIPPINES AFTER 2 MONTHS BEING IN JAPAN!

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nandito na ako sa dorm nila eh.

Isang lakad na lang.

Tapos ito pa bubungad? Tangina.

Saktong bumukas ang pinto.

"R-Rans." Kusang gumalaw ang mga kamay ko't nasampal ang taong nasa harapan ko.

"Rans sorry."

"Baby sino y-- Rans?"

"P-Paano? Akala k-ko ba pagbalik m-mo ako pa din?"

Nakayuko lang siya.

"Aly ano? Akala ko ba?!"

"Rans I'm sorry. Napagod lang ako sa kakaselos mo."

"Putangina! Aly tinanong mo ba ako minsan? Aly araw araw! Araw araw kong nakikita yang mga pictures, videos, articles na yan tungkol sa inyo! Pero hindi ko pinapansin! Hindi ako napagod! Pero ikaw? Sa kakaselos ko? Natural! Aly ako yung girlfriend mo eh!"

"Mahirap ba? Mahirap na ba sayo na itago na lang ako? Nagsawa ka na?"

"Pero ok lang. Sige. Tapos na tayo. Pakasaya kayo."

Tinalikuran ko na silang dalawa.

Tumakbo ako palabas. Hindi ko na alam.

Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Yung mga what if's ko lahat nangyari.

Saglitang LDR di pa nagwork.

Well I guess that makes sense.

Not all LDR relationship works.

**

I experienced na din kase yung ganyan.

HAHAHAHAHAHA angst kase may kilig moments sa UWMA!

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now