PikaBabe - Dare

1.1K 41 0
                                    

Dana's

"It's just simple as that,Evans! Make her fall in love with you in 2 months, then you can have this tixx in France!" Napataas ang kilay ko sa sinabi nila Gia while showing me a ticket to France.

"I can buy that tixx, you know that so no need to include that Jemimah here."

"Weak talaga. Dali na Kase, Evans!" Pamimilit pa nila. I just sighed at them.

"Yung totoo? May galit ba kayo kay Caldejon?" Inis kong tanong.

"Wala naman. Ang cute niya lang pag-tripan." Bored namang sabi ni Rans.

"The hell, Ransoy! Kung trip niyo siya wag niyo ko idamay." Inis ko pa ding sabi.

"Crush mo siguro si Jemimah kaya ayaw mo." I glared at Gia.

"Oo nga. Kapag si Jemimah na pagti-tripan ganyan ka na."

"Ok fine! I'll do it!" I irritatedly said.

"Yon! Basta Dana ha? Dapat in 2 months maging kayo, then after that leave her. Tell her na dare lang. Pero syempre,bawal kang mahulog don, kase ikaw magbibigay samin ng ticket!" Rans. I sighed for the hundred times. Should I do it ba talaga?

"Galingan mo ha?! Bye!" Tapos na din naman kase yung practice namin sa Basketball.

Paano ko naman makakausap yong si Jemimah? Eh hindi nga kami close.

"Ate Dana, una na po kami. Ingat ka po." Napalingon naman ako kila Gabb. Right si Gabb, kaibigan to ni Jem.

"Ingat kayo, kayo din Ate Abby!"

"Pero Gabb, pwede usap tayo saglit?" Tanong ko naman.

"Tungkol saan po?" Ang bait bait talaga neto, manang mana sa girlfriend niya.

"Can we talk in private? Saglit lang naman kase may itatanong lang ako." Tumango naman siya bago magpaalam kay Ate Abby.

"So ano nga yon, Ate Dana?" Tanong niya. Hayst, pano ba to?

"Ahm, you're friends with Jem right?" I asked.

"Uhm yes, roommates kame sa Dorm."

"Ah. C-Can I get her number? M-May sasabihin lang ako." The hell?! What kind of excuse is that,Evans?!

"Hay nako Ate Dana. Give me your phone." Kinuha ko naman yung phone ko sa bulsa ko tsakab inabot sa kanya.

"There it is! Yie~crush mo siguro si Ate Jem." Bakit ba lahat sila ganyan?

Obvious ba talagang crush ko si Jem?

"Di ah. Sige na. Uwi ka na, ingat ka. Baka mambabae pa kayo nila Ate Abby, lagot kayo kila Coleen!"

Dire diretso na ako sa parking lot dahil nandon kotse ko.

I enter my car tapos nagdrive.

Pagkalabas ay makulimlim, mukhang uulan pa ata.

At di nga ako nagkamali, biglang bumuhos yung malakas na ulan.

Mabagal lang ang drive ko since malakas yung ulan.

Bigla naman akong napahinto ng may nakita akong figure sa may gilid. She's soaking wet! Agad akong nagsuot ng jacket tsaka kumuha ng payong.

Bumaba ako ng sasakyan ko para mapuntahan yung babae.

"Miss, sabay ka na sakin." The girl faced me.

"J-Jem." Nasabi ko na lang.

Malatang-malata yung itsura niya, basang basa na din siya ng ulan.

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now