GiaPhant ft. Gabb

861 32 7
                                    

Gia's

"Hoy Guinevere. Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo!" Bulyaw sakin ni Alice.

"Si Ella eh. Di pa nagrereply."

"Makaka-uwi yon, Gia. Para kang tanga." Irap naman sakin ni Sheki, punyeta mga kaibigan ko ba sila?

"Oo nga. Kasama naman RM eh." May Theater Show kase sila.

Tapos na din yon, pero hindi pa siya nagrereply more like hindi talaga siya nagrereply. Open yung IG niya e.

"Uuwi yang mundo mo sayo, Gia. Wag nega." Inirapan ko lang sila.

Hays, ba naman, sabi ng magreply.

Humiga na lang ako dahil naiinis na talaga ako.

Tumunog naman bigla phone ko kaya nagmamadali kong kuhanin kase baka reply ni Ella.

Tinignan ko naman.

ella.mnl48official added to their stories

Tinignan ko naman.

It was her picture with Gabb.

Ah kaya hindi ako nire-replyan. Kasama niya nga pala yung Akin niya.

I just laughed bitterly with the caption.

Na-miss namin kayo ni Akin!

Ako ba? Miss mo din kaya ako?

Naiintindihan ko naman for fans yon, pero iba kase yung dating sakin.

Ako yung girlfriend pero parang ako pa yung naghahabol ng atensyon sa kanya.

"Ok ka lang? Lungkot ng mata mo eh." Tinignan ko lang si Alice.

Alam niya na yon.

"Bakit mo pa kase tinitigan? Sinasaktan mo lang sarili mo Gia. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano."

"Di ko maiwasan. This past few days, Ella is being cold. Di ko alam kung may nagawa ba ako or ano." I sighed.

Ella ako pa din ba?

"Masyadong busy lang yan. Ikaw talaga Gia."

"Papauwi na daw sila Selaaaaaaa!" Napakaingay naman nitong si Abelaine.

"Oo na miss na miss ha?" Pang-aasar sa kanya.

"Ba't ka nandito hoy!?" Kunyare namang galit na sabi ni Sheki. Tinutulak pa sa pinto.

"Mars alam mong mas matangkad ako sayo wag mo kong ganyanin." Sabay tap sa ulo ni Sheki.

Mga demonyo.

Maya maya lang narinig na naming may dumating na sasakyan.

Agad kaming nag-sibabaan.

"Bebeqouh!" Sigaw ni Abby kaya natawa kami.

Lalapitan ko na sana si Ella.

"Captain pasok na kami ni Akin. Kapagod eh." Biglang sabi ni Gabb sabay hila kay Ella.

Wow. Just wow.

"Mamaya na Gabo! Pahiram mo muna yang Akin mo!" Tanginang buhay to.

"Eh pagod na kami, Ate." Reklamo na din ni Ella.

"Let her rest. Sige na. Pasok na kayo Gabb." Tinalikuran ko na sila. Nadinig ko pang nagreklamo ang iba.

Ni hindi man lang ako kinamusta kung anong nangyari sakin ngayong araw.

Ella ano? Ano na lang ba ako sayo?

Napahinga ako ng malalim bago humiga.

"Wag mong hayaan Gia. Hinahayaan mo kase." Napalingon ako sa nagsalita. Si Rans.

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now