Chapter 092

522 17 5
                                    

ALEXINA'S POINT OF VIEW

Trust. Para kang may hawak-hawak na pasong nabasag at binuo lang muli gamit ang pandikit. Kailangan mong ingatan sa paghawak. Kapag mahigpit ang pagkakahawak mo ay mawawasak. Katulad ng pagtitiwala sa isang tao. Kapag ibinigay niya sa'yo dapat mong pag-ingatan dahil ang pagtitiwala ay mahirap kunin at mahirap rin na ibalik.

Sana ay naisip nila iyon noon pa man na isa ako sa bilyon-bilyong taong nasisira rin ang pagtitiwala sa ibang tao.

I have so much trust on them. And it damn hurts.

Tulala lang ako habang nakaupo sa sofa at nakabukas ang telebisyon. Paulit-ulit na tumutunog ang cellphone ko at alam kong ang mga kaibigan ko ang tumatawag sa akin.

Telegram, Instagram, Messenger, o kahit pa sa Twitter ay binubulabog nila ako. Kahit sa personal na cellphone number ko ay dagsa ang tumatawag. Tumawag rin sa FaceTime si Dakari at Nero. Pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinagot.

Kailangan ko ng magdamagang pahinga... kung pwede nga ay habang buhay na pahinga na lang.

Gusto ko na lang bumalik sa Waterloo dahil doon, poproblemahin ko lang ang mga research at mga layouts na kailangan ipasa sa professors ng major subjects ko.

Hindi kagaya rito na isang bagsakan ibibigay sa'yo ang sakit at problema. Na halos hindi mo na matanong ang sarili mo kung kaya mo pa dahil kahit naman tanungin mo iyon sa sarili mo'y walang magiging epekto ito dahil naaapektuhan ng problema ang sarili mo, pisikal man o mental.

Nang nakabalik sa huwisyo ko'y pinatay ko ang TV at nagpatugtog sa maliit na speaker na nasa tabi ko.

Gusto ko lang ng makakapagpagaan ng loob ko. Yung kahit sasabay sa daloy ng kalungkutan ko ay pagpapahingain ako.

I played the song Everglow by Coldplay. It's one of my favorite songs. Dakari introduced this song to me and at the very first time I heard the song, I already fell in love with it. Not just the music but also the lyrics.

When the song played, I slowly closed my eyes and tried to relax.

"Well, they say people come,
The say people go.
This particular diamond was extra special,
And though you might be gone, and the world may not know.
Still I see you, celestial."

Bigla ko na lamang naalala ang isang hindi ko makakalimutan na memorya ko kay Eliser.

Ito ay noong ipinakita niya sa akin ang city lights at nag-jamming kaming dalawa. Because of that one night we're together, I fell in love with him deeper.

"Like a lion you ran,
A goddess you rolled,
Like an eagle you circled,
In perfect purple.
So how come things move on,
How come cars don't slow.
When it feels like the end of my world?
When I should but I can't let you go?"

Isa-isang pumatak ang mga luha ko nang nanlamig ang aking paligid dahil sa mga alaala namin na hindi na pwedeng ibalik pa.

I should've not pushed you away. I should precisely be happy because you remember me. But I know I will feel odd about it. Because I stayed away from him for four years, I struggled in both pain and sadness. Pero nagsisisi pa rin ako na itinulak ko siya palayo dahil sa galit.

Mahal ko siya.

Iyon ang totoo.

"But when I'm cold, cold.
When I'm cold, cold.
There's a light that you give me,
When I'm in shadow
There's a feeling within me, an Everglow."

Mas lalo lang akong naiyak dahil sa kanta. Mali ata ang desisyon ko na makinig sa tugtog dahil lumalala lang itong nararamdaman ko.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa matapos ang kanta. Lahat ng alaala namin ni Eliser ay bumalik dahil lang sa isang kanta.

Eliser's my Everglow and my high hopes. I am happy that he became successful after all the years of pain but I'm also sad because I wasn't with him when he's trying to be successful for himself.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga sa sofa at tinignan ang pinto.

Tumambad sa akin si Eliser na nag-aalala ang kaniyang tingin.

I slowly frowned at him and cried out loud. Kinain niya ang distansya sa aming dalawa at agad niya akong binalot sa maiinit niyang yakap.

"I'm sorry, baby... I am so sorry," he whispered softly.

Mas lalo lang akong naiyak, wala pa rin masabi sa kaniya.

"I won't be mad at you anymore. I won't leave you like that. I don't want to fucking see you cry again, babi..."

Sumulyap ako sa kaniya at nakitang kumislap ang mata niya dahil sa nagbabadyang luha.

I missed him. I miss my Eliser... my only babi.

"Babi, please. I'll be good to you, don't leave me... again," he uttered.

I cupped his face and gently looked at him with my teary eyes.

"Mali yung pinaniniwalaan ko sila, mali yung iniwan kita, at higit sa lahat mali yung iniwan kita sa panahon na kailangan mo ng suporta para sa pangarap mo para sa atin." Sabi ko nang may nanginginig na labi.

He smiled and I saw how his tears escaped on his eyes. He wrapped his hands around my waist and pulled me closer to him.

"Babi... Engineer na ako," sabi niya at pinagdikit ang aming noo.

I closed my eyes and I tried to calm myself. The butterflies in my stomach won't stop pestering me.

"Magiging Architect na rin ako, b-baby..." mahina kong tugon sa kaniyang sinabi.

Naramdaman ko ang pagkakatigil niya. Lumayo siya nang kaunti sa akin at tinitigan niya ako.

"C-Can you, say that again?" He asked.

Nalito naman ako sa sinabi niya pero ginawa ko pa rin naman.

"Shit!" He groaned and looked up.

Mahina akong tumawa na agad tumawag sa pansin niya. Unti-unting sumilay ang matamis niyang ngiti.

"I'm going to have a heart attack if you call me baby again. Balik ka na lang sa babi," sabi niya.

Mas lalo lang akong natawa sa kaniyang sinabi.

Lord, this is what I want. This is all that I need. He is the only man that I will love through this lifetime. And until my next life, I will look for him because I love him with all he's got.

Kanina lang ay gusto ko ng magdamagang pahinga. Binigay agad sa akin ang pahinga ko. Walang iba kundi si Eliser.

"Who told you I have Traumatic Amnesia? Ikaw pa kakalimutan ko? At naniwala ka naman?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin.

Isa-isa ko naman itong sinagot, "Si Ate Alexandra at si Dakari. Oo, napaniwala nila ako dahil hindi nila ako pinayagang makapasok sa kwarto ninyo ni Shawn."

Mariin siyang pumikit at tinitigan ulit ako ng may pagsusumamo at kalungkutan.

"I really don't know. Sinabi lang nila sa akin ay umalis ka dahil napagod ka sa akin kahihintay."

"Sa tingin mo, sinong nakakaalam na wala kang Traumatic Amnesia?" Tanong ko.

"Si Archer pero hindi alam ni Leondale so don't get mad at her," aniya.

I assumed she knew. But I know she won't break my heart. She's been my bestfriend for so many years.

"What if we invite them over here? We should, you know... sort things out," sabi ko.

Hindi siya nagsalita pero pinulupot niya kaniyang mga kamay sa aking bewang at hinalikan ako sa pisngi.

I think he just said yes. I should call them.

To All Our High HopesWhere stories live. Discover now