Chapter 095

442 19 5
                                    

ALEXINA'S POINT OF VIEW

"Be attentive to what I am saying, okay?" Bilin ni Milan.

Tumango ako at agad na inasikaso ang presentation na ginawa ko. Hindi naman ako magsasalita pero kahit papaano ay kinakabahan ako. Lahat kasi ng board members ay pupunta para rito. Kasama na roon siyempre si Eliser.

I remember what he told me last night. Both of my friends didn't know what he told me. He wants to get married. HE WANTS TO GET MARRIED!

Mariin akong pumikit at bumuntong hininga nang nakaramdam ulit ng kakaibang kiliti sa aking tiyan at kaba sa aking puso.

Oo, gusto ko siyang pakasalan pero hindi kaya masyadong maaga pa para sya ganun? I'm not yet an Architect I need to finish my studies first and I will just be staying here for three months. This is for my grades and for my resume too.

Biglang tumunog ang aking cellphone kaya nagpaalam ako na sasagutin ko iyon.

My friends in Waterloo are calling mi via Telegram.

"We miss you already, Alexina! Pasalubong, okay?" Narinig ko pa ang pagtawa ni Margaret, isa sa mga kaibigan ko sa Waterloo.

"You want dried mangoes, don't you?" I asked.

"Someday, we'll gonna visit you there!" Ani naman ni Violet.

Ngumiti ako. Ilang minuto pa kami nag-usap bago ako matawag ni Milan para maghanda na dahil ilang minuto na lang rin at papunta na ang mga board members. Nagpaalam na ako sa kanila tiyaka ako pumasok sa loob ng conference room.

Hinawakan ko na ang pull handle ng pintuan nang may lumapat na isang malaking kamay rin. Natigil ako at lumingon sa tabi ko kung sino yun.

"E-Engineer," tawag ko kay Eliser.

Nasa likuran niya ang kaniyang Mommy at si Elishane na kinikilig dahil sa ginawa ng kaniyang Kuya.

"Xina," he called me and winked at me.

Nanlaki ang mata ko at bibitaw na sana sa pull handle nang mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa aking kamay.

Mariin ko siyang tinitigan at kinakabahan dahil nakatingin pa rin ang pamilya niya sa akin. Ang gagong ito! Nagawa pa akong landiin sa harap ng Mommy at kapatid niya! Hindi pa nahiya ang palakang ito!

"Are you ready for your presentation?" Tanong niya, nakapirmi pa rin ang mga kamay niya sa kamay ko.

Matalim ko siyang tinignan. Pagkatapos ay nilipat ko ang tingin sa Mommy niya na nakangisi sa nakikita. Kinabahan ako agad at agad na nahiya.

"Hello, Mrs. Rosenberg," bati ko sa kaniya at yumuko.

Ganun rin ang ginawa ni Mrs. Rosenberg bago siya lumapit sa amin at tinanggal niya ang nakapatong na kamay ni Eliser sa akin.

"You're the CEO of the company. Have some respect," may banta sa tono ng kaniyang ina.

Gusto ko man ngumiti ay hindi ko magawa dahil nasa harapan ko mismo si Mrs. Rosenberg. Nakatingin lang sa akin si Eliser nang may lungkot sa mata. Paawa pa! Letse ka, hindi kita ipagtatanggol!

"Have some respect to my soon-to-be daughter-in-law."

Nanlamig ako sa sinabi ni Mrs. Rosenberg. Mali ata pagkakarinig ko?

Napansin ko ang ngising sumilay sa labi ni Eliser dahil sa pagkakatigil ko. Narinig ko ang pagtawa ni Elishane.

"Let's get inside," utos naman ni Mrs. Rosenberg.

Nakatulala akong bumitaw sa pull handle ng pintuan at pinauna silang makapasok. Nanatili ang titig sa akin ni Eliser bago siya hinila ng kapatid sa loob.

I'm... still not ready for the marriage that his family wants. Gusto ko pang makapagtapos at mag-trabaho ng ilang taon. Hindi kaya masyadong mabilis?

Nang natauhan ay pumasok na rin ako sa loob. Inutusan pa ako ni Milan na kumuha ng bottled water para sa mga nakaupo at nandito na sa loob ng silid. Ginawa ko naman ang inutos niya.

Ilang oras bago natapos ang meeting at masasabi kong nakaka-pressure ang mga tanong ng mga nasa meeting, lalo na si Eliser.

"How much will it cost?"

"When will it be done?"

"Posible bang matapos ito within a year?"

"If your Architect's contract is for three months only, who will replace her?"

Nasagot naman ni Milan ng maayos ang mga tanong. Ang tinanong lang sa akin ay kung anong pakay ko rito at bakit ako ang napili na Architect kahit pa na hindi pa ako licensed. Satisfied ako sa sinagot ko kaya hindi ako kinakabahan.

Nagustuhan nila ang designs ko kaya halos lahat sila ay pumayag. At next week ay sisimulan na ang proyekto.

Iniwan kaagad ako ni Milan para makausap ang isang board member na kasama. Habang ako ay nag-aayos at nag-liligpit ng gamit sa silid.

Hindi ko alam pero sumulyap ako sa gawi kung nasaan si Eliser at nahuli ko siyang nakatingin din sa akin nang nakangisi. Ako agad ang nag-iwas nang tingin at nilunok ang tila ba bumabara sa lalamunan ko.

"Engineer you're really a good match to the CEO of this company! Am I right, Mrs. Rosenberg?"

Natigil ako sa pagsara ko ng aking bag. Hindi ako nag-angat ng tingin, sigurado akong nakatingin sa akin ngayon si Eliser.

"It depends. Kung sino ang gusto ng anak ko, boto ako roon!" Sagot naman ni Mrs. Rosenberg.

Sa sagot pa lang ni Mrs. Rosenberg, pakiramdam ko boto siya sa akin. Malakas siguro ang alindog ko kay Mrs. Rosenberg dahil parehas kaming fan ng Super Junior dati. Syempre, joke lang.

"Naku! Narinig mo ba iyon? Mukhang walang pinipili si Mrs. Rosenberg!" Natutuwang sinabi ng matanda.

Pumikit ako saglit at malalim na bumuntong hininga. Narinig ko ang mahinhin na pagtawa ni Milan sa sinabi ng matanda.

"He's still young po. And I don't think it's a good idea–"

"Age doesn't matter, hija! Marry him! You're a good catch! Kung may girlfriend man itong si Eliser ay baka pampalipas oras niya lang iyon!"

Shit.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko na nagpa-kirot doon. Biglang bumagal ang paggalaw ko dahil sa pagkawala ng sigla kanina. Nagdiriwang lang ako kanina ah? Bakit nasasaktan ako ngayon?

Pampalipas oras kaya niya ako? Hindi niya sinasabi sa akin na nili-link pa rin pala siya kay Milan. Hindi ko naman siya masisisi kung sinubukan niyang i-date si Milan. Sa tagal kong nawala imposibleng ako lang ang minahal niya.

Narinig ko ang pagtawa ulit ni Milan. Hindi ko rin alam kung nagugustuhan niya ang pag-tukso sa kanila nung matanda o ganun lang talaga siya. Sana nga ganun lang si Milan.

Habang nag-aayos ng gamit sa lamesa ay may malaki at malapad na kamay ang dumukot sa aking kamay. Nakita kong si Eliser iyon kaya kinabahan ako at pakiramdam ko mailalabas ko ang sakit sa pag-iyak.

I'm too soft for Eliser.

"Hindi po siya pampalipas oras, panghabang-buhay ko na po siya." Ani Eliser.

Halos lahat ay natigil sa sinabi niya. Nakita ko ang bahid na sakit sa mga mata ni Milan habang nagulat naman ang matandang kanina pa sa pag-tukso sa kanila.

"Alam kong malaki ang share niyo sa kompanyang hinahawakan ko pero ang hindi respetuhin ang nararamdaman ng mapapangasawa ko ay baka kalabin ko pa po kayo," dagdag niya.

Saglit siyang sumulyap sa akin at hinalikan ako sa noo bago niya pinagsiklop ang kamay namin. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa sinabi niya.

"Now, if you excuse us for awhile. I miss my Architect." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila niya na ako palabas ng silid na yun.

Naglalakad kami ngayon at pinagtitinginan kami ng mga empleyado. Nakatitig lang ako kay Eliser.

Baby, you made me realize that I want to marry you now, so bad. I don't care about what people will say. I just want you in my life legally in the eyes of God and in the eyes of the people who hated our love.

I just want you in my life forever.

To All Our High HopesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt