Chapter 100

464 14 2
                                    

ALEXINA'S POINT OF VIEW

"Dakari, can you please carry Haru for me?" Si Violet na abala sa pag-aayos ng buhok niya sa harapan ng salamin.

Hindi na nagsalita si Dakari at kinuha na lang niya sa malaking higaan ang isang taong gulang na lalaking anak nila, Haru Hinata Wessley Velez. Their son got Dakari's japanese genes. The boy is extremely handsome. Parang iisipin mong isa siyang pure Japanese.

Two years after the graduation, we immediately review for our CACB. Luckily, we passed and now we are officially an Architects.

Lahat ng plano ko dati ay nabago dahil pare-pareho kaming natanggap sa kompanya ni Carter. Pinalitan na rin ni Carter ang kaniyang Ama. At kahit baguhan sa field na iyon ay nakakayanan naman niya.

Nandito kami ngayon sa California para sa kasal ni Ate Alexandra. Finally, my sister is getting married. May-ari ng five-star hotel ang kaniyang mapapangasawa at isa rin itong sikat na basketbolista.

Kung sinuswerte nga naman itong Ate ko. Habang kami ni Eliser ay going strong. Inimbitahan siya ni Ate pero ako na ang tumanggi dahil alam kong mas mahalaga pa ang kinakaharap niya ngayon sa Pilipinas.

Nagkaroon sila ng family problem dahil nasa med school pa lang si Elishane nang nalaman nila na buntis ito at tinakbuhan siya ng kaniyang boyfriend. She's on her second trimester this month. Kaliwa't kanan naman ang projects na natatapos ng kompanya ni Eliser kaya medyo hassle at busy siya.

Gustuhin man ni Eliser na makapunta ay ako na ang nagsabi na h'wag na. Dahil marami pa siyang tatapusin sa Pilipinas.

Ang Taratitats naman ay hindi na gaanong maingay, hindi katulad noong dati. Because everyone's busy at work. Kapag mayroong celebration na magkakasama sila'y tinatawagan nila ako. That way, nakakasama pa rin nila ako kahit nasa malayo.

Everything's fine for me. My sister's now ready to settle for a happy married life, while I'm now happy that I accomplished what I wanted and what I am passionate about. At tungkol naman sa charity ni Mama sa Batangas ay inako na ni Leondale at dahil malaki ang sahod niya sa pagiging model, lahat ng sahod niya ay napupunta sa charity ni Mama. Dahil wala naman ako roon at baka hindi ko rin lang ma-handle ng maayos, ibinigay ko na lang kay Leondale.

"Violet, I'll wait for you guys outside." I said.

Violet heard me but she's busy doing her hair at the same time making her son laugh so I get out of the room.

I have the chance to take pictures of the hotel's garden. Nakaisip tuloy ako ng bagong design sa dream house ko. Gusto kong mayroon akong kahit maliit lamang na garden, sakto lang para maalagaan ko. Aayusin ko na lang design sa AutoCAD.

"Mas maganda siguro kung matatamaan ng sunrise ang mga halaman ko? Parang ang ganda makita pagkagising mo," suhestiyon ko sa sarili.

Dahil sa ideyang iyon ay kumuha pa ako ng litrato ng bulaklak na tulips at gerbera daisies. Paboritong bulaklak ni Mama ang gerbera dasies habang ang tulips naman ang unang bulaklak na binigay ni Papa kay Mama.

"Pwede ba na ako na lang tamaan ng sunrise para magandang makita pagkagising mo?"

Napalundag ako pati na rin ang cellphone ko na muntikan mahulog sa fountain. Mabuti na lang at nasalo ng nagsasalita sa likuran ko.

Haharapin ko na sana siya para sabihing may asawa ako at hindi na 'ko interesado nang may nakita akong pamilyar na nakasuot sa kaniyang daliri.

It was a familiar double row brushed tungsten band promise ring that I gave to Eliser.

My heart beat uncontrollably and the butterflies inside of my stomach rumbled.

Nang humarap ako ay nakita ko ang abot tenga na ngiti ni Eliser. I squealed and jumped to hug him.

To All Our High HopesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora