Chapter 094

575 19 3
                                    

ALEXINA'S POINT OF VIEW

Days have passed quickly but it was a mix of stress and happiness. Stress because me and Milan have been preparing for weeks now for the project and it will start tomorrow. While happiness because I always meet either Leondale, Eliser or both of them. Minsan ay nagkakasabay kaming kumain. Nakakagulat nga na nakakapunta pa rito si Archer since mayroon siyang sariling kumpanya pero mas pinili niyang kumain rito kasama kami at si Leondale.

Humilata ako sa aking sofa habang sina Rose at South ay nanunood lang ng pelikula sa TV.

"Bayaran niyo kuryente't tubig ko ah!" Pagbabanta ko.

Parehas silang tumingin sa akin at tumango.

"Ilan ba kailangan mo? Ibibigay ko." South said.

"Idudoble ko ang ibibigay sa'yo ni South." Sabi naman ni Rose.

Ang mayayaman nga naman! Walang pakealam sa kung ilan ang malulustay nilang pera dahil parami ito nang parami!

"So kailan kayo uuwi?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Next month pa, sabay kaming aalis." South answered.

Ang dalawang ito talaga, minsan hindi mo mapaghiwalay.

Umiling-iling ako at dahil wala rin lang magawa ay pinanood ko na rin ang pinapanood nila. Isang american movie ang pinapanood nila, nakakaaliw na nakakaiyak ito.

"Kakaiba itong babaeng 'to! Kalandian niya nasa ibang planeta!" Puna ni South.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Sana all," sabi naman ni Rose.

Nagtawanan kaming dalawa dahil pagkatapos mag-rant ni South ay iyak na siya nang iyak.

"Hindi niya kaya yung gravity dito! Dapat isama na nila yung babae sa outer space kasi siya lang naman lakas nung lalaki!" Humihikbi pa ang gaga.

Pagkatapos ng movie ay bigla na lang akong natulala. Habang ang dalawa ay nagpaplano kung saan pwedeng makakain ng korean foods.

I've never seen movie like that before. It's a quick turner. It made realize that we can always change perspective in any way. That sometimes, the more bigger risks, the more worth it it'll be. The question really hit me deep down and made think seriously.

"What is your favorite thing about Earth?"

It's a thing that he was asking. He wanted the girl to make and take a big risk because he knows... he knows that if the girl mentioned him... he will take the big risk and love her unconditionally.

"Baby Xina, maiwan ka na dito muna bibili kami sa baba ng makakain! Okay?" Lumapit silang dalawa sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Marahan lang akong tumango. Ganun pa rin ang nasa utak ko. Nanatili akong tulala sa napanood ko.

That's just a movie but why did it hit me differently? That's an ordinary movie but why does my heart ache so much because it ended?

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko kaagad ito nang hindi tinitignan sa screen kung sino ang tumawag.

"Can I come over?"

Ilang minuto pa akong hindi sumagot pero alam kong si Eliser ang tumawag.

Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Napahawak ako rito. Bigla ring nagkaroon ng paru-paro sa tiyan ko at tila ba nagkakagulo sila.

Doon ko napagtantong...

"My favorite thing about the Earth is you," sambit ko.

"What?" Tanong ni Eliser sa kabilang linya.

To All Our High HopesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon