Chapter 098

452 15 4
                                    

ALEXINA'S POINT OF VIEW

Mag-aalas otso na nang nagising ang mga lalaki. Halos lahat sila ay may hangover at naiinis sa kanila si Leondale.

"Nakakairita kayo! Kung alam ninyong hindi kaya, 'wag pilitin! May pasok ba kayo ngayon?" She sounded like a mother scolding her child.

"Hindi muna kami papasok ngayon," sagot ni Doms.

Mas maganda nga 'yon dahil magkaroon lang ng problema kung sakaling pipilitin nilang pumasok ngayon. Tumabi ako kay Eliser na nakapikit at hinihilot ang kaniyang sentido. He was just sober last night but I guess he can't handle too much alcohol already. 


"Kailangan mo ba ng gamot?" I whispered and wrap my hands around his arm.

Tumingin siya sa akin at matagal pa niya akong tinitigan bago niya sagutin ang tanong ko.

"You're my medicine," aniya at niyakap ako.

"Ang harot mo!" Sabi ko at marahan siyang inilayo.

He pouted and furrowed his eyebrows. He looked away. I chuckled.

"Harot lang pala sa'yo ang lahat..." rinig kong bulong niya.

Pinilit kong hinarap ang kaniyang mukha sa akin at pinisil ang kaniyang pisngi.

Ang maharot na 'to, siya lang haharot sa akin habang buhay.

"I'm just joking around, why are you so serious?" Natatawa kong tanong.

He pouted and looked away again. His cute reaction to what I said really fits him. I like this side of him.

"Masakit ang ulo ko kasi, gusto ko ng lambing," aniya na halos bulong na lang nang sabihin niya.

Nakahanda na ang mga pagkain at bago magsimula ay nag-dasal muna kami.

"Let us all bow our heads," Leondale said, leading the prayer.

Lord, salamat sa blessings na natatanggap ko ngayong taon. I just want peace in this world and the right love we all deserve. Thank you for everything you've given me. Give us the strength that we need in every obstacle we would pass by everytime we want to reach something.

"Amen!" We said in unison.

Pumalakpak pa si Riley at Nero tiyaka nila itinaas ang pareho nilang kamay sa ere.

"Napakasaya na kumpleto tayong magkakaibigan! Cheers for more years!" Masigasig na sabi ni Doms at iniangat ang hawak niyang coffee mug.

Itinaas naman nila ang kani-kanilang coffee mug. Ang mga lalaking ito talaga. Kahit ata hanggang sa pagtanda nila'y mga loko-loko ito. 

Pagkatapos nilang mag-agahan ay nag-aya naman silang maligo sa dagat. Gaya nga ng sinabi ni Eliser sa akin, mayroong nag-dala ng mga damit ko. Pero mamaya na lang ako maliligo. Kakausapin ko pa si Milan na kanina pa tumatawag sa'kin. Hindi alam ni Eliser at ayokong malaman niya.

I opened my FaceTime app to talk to her. I just waited for seconds until she picked up.

Nakasuot siya ng roba at siguro ay nasa bahay niya. Mayroon siyang suot na salamin at nakatitig siya sa akin ngayon.

"Where are you?" May bahid ng iritasyon ang kaniyang tono.

Siguro hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari. Kahit naman ako ang nasa sitwasyon niya'y hindi ko rin malilimutan. Kahapon lang 'yon kaya sariwa pa sa kaniya. 

To All Our High HopesWhere stories live. Discover now