Chapter 097

504 20 5
                                    

ALEXINA'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng nangyari ay guminhawa ang pakiramdam ni Leondale. Nakapag-usap na rin sila ni Archer. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila pero sigurado akong maayos iyon dahil pagbalik nila sa amin ay nakangiti na ang dalawa.

Bumalik ang ingay at lokohan sa barkada. Nilabas na rin nila Eliser at Shawn ang mga inumin at inilapag sa maliit na table.

"Alam niyo, Eliser at Alexina, para kayong mag-asawa na kagagaling lang sa trabaho tapos uuwi kayo sa mga anak niyong may topak!" Sabi ni Doms at tumawa naman ang lahat.

Nakalimutan ko na nga magpalit ng damit. Pati rin si Eliser na tinanggal lang ang coat at tinupi ang sleeve ng kaniyang white dress shirt. Ang gara niya talagang tignan kahit saang anggulo.

Pagkatapos ng asaran ay nag-inuman na ang mga lalaki. Tawanan pa ang mga nangyari at inaalala ang mga ginawa naming kalokohan noong highschool.

"Nakaka-miss mag-aral! Yung stress ka lang sa dami ng paperwork hindi kagaya ngayon na ang tubig at kuryente ikaw na nag-aalala!" Reklamo ni Leondale.

Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Nag-aaral pa rin naman ako, pero alam ko ang hirap sa pagkayod lalo pa't ang tumutustos sa'kin ay ang ate ko. Paminsan-minsan akong suma-sideline kapag may pagkakataon at ang pera ay iniipon ko. Kung may babayadan man at meron naman akong ipon, iyon ang ibibigay ko. Humihingi ako kay ate kapag kailangan at kung medyo malaki ang halaga ng babayadan ko.

"Mabuti pa nga itong si Alexina ay nag-aaral pa! Kamusta naman sa Waterloo?" Tanong ni Cole.

"Ayos lang naman, ang ganda nga roon kasi ang dami kong natututunan eh," sagot ko.

Tumango si Cole sa aking sagot at may sinabi ulit sa amin, "Last year mo na pala sa Architecture 'no? Si Nero naman last year na rin sa Nursing, bakit ka ba nahuli?" Tawanan ulit.

Napakamot sa ulo si Nero. "Bumagsak ako sa Anatomy at Physiology! Mabuti na lang naiintindihan ng pamilya ko 'yon, alam nilang mahirap magnursing," sagot naman niya.

"Saan ka magtatrabaho after?" Tanong ni South.

"Gusto ko sanang magtrabaho sa Burlington. Doon kasi nakatira ang isang pinsan ko. Kasi kapag nakapagtapos na kami alam kong uuwi si Alexina at si Dakari naman babalik ng Amerika–"

"Babalik ng, what?" Biglaang tanong ni South.

Here we go again. The ever curious South Aragon. Kapag hindi nasagot ni Nero ang tanong niya'y kukulitin niya ito hanggang sa mainis sa kaniya si Nero.

"Babalik siya sa California dahil susubukan niyang alagaan ang kumpanyang naitayo ng ama niya roon."

Hindi na ulit nagtanong si South pagkatapos.

Paiba-iba na ang naging topic namin. From highschool memories to foods. Kung anu-ano na tinatanong namin sa isa't-isa.

"Anong ulam ninyo kaninang umaga?"

"Masarap ba?"

"Magdala ka minsan."

"Ha? Hotdog."

"Try natin mag tuyo at sinangag bukas!"

It's fun even though our topic was random. Umalis si Cole at Archer para kumuha ulit ng maiinom sa kusina. Hinahayaan na lang namin sila dahil bonding naman namin ito at walang basagan ng trip. Nandito naman kaming mga babae para mag-alaga sa kanila. Hindi kasi namin gustong malasing.

Kinuha ko ang remote ng TV at binuksan ito. Agad kong nilipat ang media sa Youtube para manood ng fancams ni Sehun.

Medyo na-miss ko si Sehun. Nawalan ako ng time para maging fan girl ng EXO dahil ang daming ginagawa sa school. Kung manunood man ako kasama ang mga kaibigan ko sa Waterloo, siguradong iinisin lang nila ako dahil ayaw nila sa Kpop.

To All Our High HopesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora