21

323 5 0
                                    

Chapter 21: Hanapan ng butas

Marco's POV

Dahil sira ang kotse ni Kalirea at nanakawan si Miles ng kotse ay ako na ang naghahatid sundo kay Kalirea papunta sa Med school. Okay din dahil nagkakaroon ako ng pagkakataon para kausapin si Kalirea.

Sumakay na siya dala dala ang bag niya.

"Tara na" sabi niya kaya naman agad na akong nagdrive

"Kumain kana?" Tanong ko sa kanya

"Yup! Miles cooked for me" sagot niya

Yayain ko sana siyang magbreakfast eh, pero di bale nalang.

I remembered a few days ago, I told her that I love her. Nagbago kaya yung tingin niya sa akin? Kahit onti ba...may nagbago?

Alam ko namang mas gusto niya sa Miles eh. Alam ko yun but I'm not giving up. I have to win her over. Even if I have to play dirty.

Namimiss ko tuloy yung mga panahong nagtratrabaho pa kami bilang isang Respiratory Therapist. Lagi kaming magkasama, sa trabaho, sa mga lunch breaks and after work maghahang out kami kasama ng mga workmates namin. Simplier times. 

Kung di lang kasi bumalik yang si Miles eh. Edi sana balik sa normal ang lahat.

Gusto kong sumaya si Kalirea, gusto ko siya makitang ngumingiti. Lagi kong sinasabi yun but I can't stand it anymore. 

I can't just stand there anymore. As selfish as it sounds, I want her. 

I have to find a way to ruin his image and in order to do that I need help

Hinatid ko na si Kalirea sa klase niya habang ako nama'y nagpunta sa sarili kong klase. We might be going into the same school and building, we are specializing in different courses. We still review together just to help each other.

I went to my class and saw my batchmate Abby. Tinaasan niya ako ng kilay at nilapitan ako.

"Hoy Marco, okay na kayo ni Lira?" tanong ni Abby

"We're finally okay" sagot ko naman

"Hay nako buti naman. Tapos na rin ang pagpapanggap natin, nagseselos na si Mara sa atin eh" sabi naman ni Abby na ikinatawa ko

"Sus"

"Nako talaga Marco, kung ako sayo simulan mo nang ligawan si Kalirea. Ang swerte mo dyan! Mayaman na, maganda pa! Kung hindi nga lang yan straight nako baka naunahan na kita" sabi naman ni Abby

"Oo na" sabi ko naman

Si Abby ay ang girlfriend ng kambal kong si Mara. They're both part of the LGBTQ+ community and I support them. 

The class started and after a few hours, lunch break na.

Alam kong may kasabay naman si Kalirea kumain kaya umalis muna ako. I skipped my next class and went to the Chance Mansion. 

Malaki ang mansion nina Kalirea ngunit ang style nito'y makaluma. Brown halos ang walls at may mga librong nakapaligid sa sala nila. May apat na palapag ito ngunit ito'y malaki kaya naman saktong sakto lang ito para sa isang pamilya. Sa ground floor and kanilang sala, kainan at kitchen. dito rin ang garden and backyard pool nila. Maids room naman sa likod malapit sa bodega. Sa pangalawang palapag ang mga kwarto nina Kalirea, Talia at ang kwarto ng pumanaw nilang kapatid na si Elyc Brail. Sa pangatlo namang palapag ay ang kwarto ng kanyang Tita at ng ama ni Kalirea. Sa kabila namang kwarto ay ang personal na opisina ng ama ni Kalirea. Si pinakadulo naman ay ang isang guest room kung saan ako madalas nakikitulog. Sa pangapat na palapag ay ang rooftop.

Mahal nga kasi kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon