38

243 7 2
                                    

Chapter 38: The talk

Agad agad akong nagpunta sa hospital nang malaman kong inatake sa puso ang papa ko.

"Miss! Nasaan dito ang ER?!"

"Sa kaliwa po sir"

I ran like a madman, looking for the emergency room. Panic prevailed all over my body. I couldn't think straight, sana walang masamang nangyare sa papa ko.

When I got there, nakita ko ang kapatid ko at ang mama ko. Niyakap ako ni mama habang siya'y umiiyak.

"Ma, ano po ang nangyare?" Tanong ko

Nagkatinginan si Merald at si mama. Walang nagsalita sa kanilang dalawa.

"Nasaan si papa?" Tanong ko

"Nasa loob, hindi pa nagigising" sagot ni Merald

Hinawi ko ang kurtina at pumasok sa loob. Nakita si papa na nakahiga sa kama at walang malay.

"Nung mga nakaraang araw kasi palaging naninikip ang dibdib ng papa mo tapos ngayon..." sabi ni mama ngunit hindi niya natapos ang sinasabi niya.

May nangyare siguro pero ayaw nila sabihin sa akin

"Ma, ano ba talagang nangyare? Bakit inatake si papa?" Tanong ko

"Mas maganda siguro kung ang papa mo na ang magkwekwento sayo anak." Sabi ni mama

"Pwede mo naman sabihin sa akin ngayon Ma" sabi ko

"Mamaya na anak, samahan mo muna ang kapatid mo" sabi ni mama at wala naman akong nagawa at samahan si Merald

"Rald, ano bang nangyare? Bakit inatake si papa?" Tanong ko sa aking kapatid

"Hindi ko alam, basta natutulog ako dun sa kwarto tapos bigla nalang sumigaw si mama ng malakas. Nagising ako tapos pagbaba ko, inaatake na si papa" sagot sa akin ni Merald

"Bakit kaya inatake si papa?" Tanong ko

Maya maya lang ay dumating na ang kambal kong si Mara. Kasama pa niya ang kasintahan niyang si Abby.

"Marco! Merald! Anong nangyare?!" Tanong agad sa amin ni Mara

"Di rin namin alam..." sagot ni Merald

"Asan si mama? Si papa?" Tanong ni Mara and itinuro namin kung nasaan si papa.

"Grabe naman tong family reunion natin, sa hospital pa talaga" komento ni Merald

"Anong nangyare kay tito?" Tanong ni Abby

"Di nga namin alam" sagot ko

After a few hours, nagising din si papa. Agad naming pinalibutan si papa, we called the nurse and the doctor came. Okay naman daw si papa at buti hindi malala ang condition niya and tomorrow morning, pwede na siyang magpadischarge.

"Papa, ano pong nangyare sainyo?" Tanong ni Merald

"Pa, may masakit ba sa inyo?" Tanong naman ni Mara ngunit hindi sumagot si papa. Nakatingin lang sa akin si papa na parang may sasabihin.

"Mara, Abby, at Merald. Lumabas muna kayo" Utos sa kanila ni mama at sumunod naman sila at lumabas.

"Ma? Pa? Anong meron?" Tanong ko

Naging seryoso si mama, inalalayan niya si papa sa pagupo.

"Marco, kailangan natin magusap" sabi ni papa

"Nagpunta yung tatay ni Kalirea sa bahay kanina, kausapin ka daw namin na wag mo nang lalapitan si Kalirea. Sinabi ng tatay niya na sabihan kang wag nang kausapin at makipagkita sa kanya." Sabi ni mama

"Anong ginawa niyo?" Tanong ko at tinignan silang dalawa

"Alam naman naming gusto mo si Kalirea, anak. Alam namin iyon. Kaya itong papa mo nakipagsigawan dun tatay ni Kalirea." Sabi ni mama

"Sabi ko sa kanya na kayong mga bata ang magdesisisyon at hindi siya" sabi ni papa

"Ang kaso anak..."

"Ano po yun?"

"May dala dala siyang briefcase anak. May lamang 10 million pesos" Sabi ni mama

"Po?!" Biglang bumukas ang kurtina at nanduon si Mara at gulat na gulat sa narinig.

"Inatake ang papa niyo nang makita niya yung pera" sabi ni mama

Di ako makapaniwala sa mga narinig ko. Bakit nagawa yun ni Tito Kalix? Ano na naman ang binabalak niya? Bakit niya ito ginagawa?

"10 million?!" Sigaw ni Merald, gulat na gulat rin siya

"Anak...layuan mo na si Kalirea. 10 million yun anak. Mababayaran na natin ng buo ang bahay. Makakapag business na tayo. Giginhawa ang buhay natin anak" Sabi ni mama

"Oo nga kuya! Makakabili na rin tayo ng bagong ref at kalan. Makakapag cable na rin tayo." Sabi naman ni Merald

"Marco, makakapag tapos ka ng med school gamit ang pera na yun. Hindi mo na kelangan ng sponsor ng tatay ni Kalirea." Sabi naman ni Mara

"Anak, mababayaran na natin ang mga utang natin sa tito mo, maipapamukha na natin sa mga Albatres na nakakaraos na tayo sa buhay" sabi ni papa

"Pero.."

Hindi ko alam ang gagawin ko.

10 million pesos, pero kapalit nito ang taong espesyal sa akin.

"Marco, matanda na kami ng papa mo, gusto naming makaramdam ng sarap, gusto naming guminhawa man lang ang buhay namin bago kami mamatay" Sabi ni mama

"Ma..."

"Marco, para sa amin ng papa mo. Piliin mo kami" Pakiusap ni mama

Ano ang gagawin ko?

Kaya ko ba talagang ipagpalit si Kalirea para magulang ko?

Ano ba ang dapat? Sino ba dapat?

Totoong giginhawa ang buhay namin sa 10 million pesos na iyon. Malaking halaga iyon para sa amin.

Lumaki ako sa hirap. Ang mga magulang ni Miles ang nagpaaral sa amin. I had to work and study at a young age. Kung ano ano napasukan ko na. Magkapera lang ako at idagdag ang mga kinikita ko sa tuition ko. Pumasok ako sa iba't ibang scholarship programs para lang maipakita na hindi ko kailangan ang pera ng iba para makapagaral at mairaos ang aking sarili.

I worked so hard to make my parents proud. I did everything to make them happy. Nang makapagtrabaho ako bilang Respiratory therapist tinulungan ko si Mara na makapasok rin sa Med school. Ngayon ay kumikita na siya bilang residente.

Ibang iba ako sa mga kaibigan ko. Mayayaman silang lahat, lahat ng material na bagay ay nakukuha nila. Hindi nila kailangan magtrabaho umaga at gabi para magkaroon ng pera. They're privilaged people, habang ako ay hindi.

I have to go the hard way to get what I want. Growing up like this is hard kasi nakikita mo na yung ibang tao nakukuha yung gusto nila ng walang kahirap hirap habang ikaw ay kelangan pang pawisan.

I want that 10 million peso. Sino bang ayaw ng pera diba? Easy money.

Pero lalayuan ko si Kalirea? Kaya ko ba yun?

Nagawa ko na iyon, nagawa ko nang iwasan at layuan siya.

Pero bakit ngayon pa?

Bakit ngayon pa na alam kong may pagasa ako sa kanya?

Kaya ko ba talagang bitawan si Kalirea para sa pera?

Mahal ko si Kalirea pero mahal ko din ang magulang ko.

Pero hindi ko kaya...

Ano ba talaga? Sino?

Mahal nga kasi kitaWhere stories live. Discover now