37

219 7 0
                                    

Chapter 37: Calm before the storm

Marco's POV

I woke up feeling good and refreshed. I had a really great sleep. I turned around and saw Kalirea sleeping on the other bed. She's facing me. Her hair is all over the place, eyes closed, nakanganga siya at tumutulo ang laway sa kama.

Sarap ng tulog neto ah?

Pero kahit tulo laway siya, di pa rin maitatanggi that she's adorable when she's asleep. Kalirea is very quiet in her sleep, she doesn't snore or sleep talk. She doesn't move a lot and mabilis mo siyang magigising.

Nakatingin lang ako sa kanya at pinagmamasdan siya.

Her skin looks soft, it isn't entirely fair but she has a clear skin with little to no blemishes. Long eyelashes, thin pink lips.

Naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin kahapon. I wasn't expecting anything from her yet she trusted me. It felt good but at the same time, it was confusing.

Why me of all the people that she could trust? Does that mean anything? Or not?

I looked at her until she finally woke up.

Agad niyang isinarado ang nakaawang niyang bibig, kinusot ang kanyang mata at umupo. She turned to me and smiled.

"Gising ka na pala" sabi niya at tumayo. Nagtungo siya sa CR at sinarado ang pinto.

Tumayo na ako at inayos ang kama na hinigaan ko. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bedside table. I saw Kalirea's post. It was a picture of us in the pool, it has no caption but there are a lot of likes and comments. Most of the comments coming from Esran and Crystal. Looks like they have no idea that we went on a trip together, considering that all their comments are written in caps and it looks like they're yelling at us.

Wonder what will Kalirea react when she sees their comments.

Kalirea went out of the bathroom, nakapaghilamos na siya ng mukha at nakapagtoothbrush na.

"Par, ligo ka na muna. 7 AM start nung breakfast buffet. Agahan natin para wag tayo maubusan ng pagkain" Sabi ni Kalirea, natawa ako sa kanya dahil kagabi pa lang ay excited na siya sa breakfast.

Breakfast is her favorite meal of the day. Kahit lunch pa or dinner, kakain pa rin siya ng breakfast meals.

"Wag ka na ngang tumawa dyan! Maligo ka na, ang baho mo na oh" sabi pa niya

"Wow, parang ikaw hindi mabaho ah?"

"Hindi talaga! Dali na Marco! Naamoy kita hanggang dito" pangasar sa akin ni Kalirea at napangiti lang ako. Kinuha ang twalya sa aking bag at pumasok sa loob ng CR.

Binilisan ko lang ang pagligo ko at halos 15 minutes lang ata ay tapos na ako. Nagbihis na ako ng T-shirt at pantalon sa loob bago lumabas ng CR.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Kalirea na nakahiga sa kanyang kama at nakatingin sa kisame. Nakatakip ang garfield niyang twalya sa katawan niya at ginawa itong parang kumot.

"Kalirea" tawag ko sa kanya, nilingon naman niya ako

"Wow, bagong ligo si Kuya Marco" komento niya

"Mabango na ako. Ikaw mabaho pa, maligo ka na" sabi ko naman

"Ito na nga po! Maliligo na!" Sigaw niya sa akin at nagpunta papunta sa CR

Sandali lang rin siyang naligo, pagkatapos namin magayos ng gamit ay bumaba na kami papunta sa restaurant. The breakfast buffet just started and marami na agad ang tao.
Mas marami ang tao ngayon kesa kahapon.

Mahal nga kasi kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon