45

340 12 0
                                    

Chapter 45: The Epilogue

Dedicated to all my readers yieeee

Kalirea's point of view :)

"Marco! Paki-patay nga yung kalan!" Sigaw ko mula sa hagdanan habang pinupunasan ang basa kong buhok.

"Oh sige! Teka lang!" Sigaw naman niya pabalik

Aakyat sana ako ulit nang biglang sumigaw si Marco. Tumakbo ako pababa ng hagdanan ang nagpunta sa kusina.

"Anong nangyare sayo?!" Tanong ko sa kanya, hawak hawak niya ang kamay niya at hinuhugasan ito sa sink.

"Hey, what happened?" Tanong ko ulit sa kanya. Ngunit imbes na sagutin ako ay nilingon niya ako at bigla akong niyakap.

Hoy, yung puso ko.

Kusang ngumiti ang aking labi at niyakap siya pabalik.

"Natalsikan ako ng mantika" Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin

"Saan? Patingin" Sabi ko ngunit hindi niya ako pinapakawalan.

"Marco, dali na. Patingin ako" Sabi ko pero nakakayakap pa rin siya sa akin, tinutulak ko na nga siya pero ayaw pa rin siya.

"I love you" Bulong niya sa aking tenga, parang tumayo lahat ng balahibo ko at gusto kong sumabog.

Kahit ilang beses niya sa akin sabihin yan kinikilig pa akin ako.

"Oh, bat tahimik ka na naman? Nasaan yung I love you too ko?" Sabi niya, sa sobrang lapit ng katawan niya ay nararamdaman ko na tuloy yung ano niya...

"Marco naman ih" Sabi ko at mahinang pinalo siya sa likod

"Sige, di kita papakawalan!" Banta niya sa akin. Kung alam lang niyang nagiinit na ang mukha ko, nako.

"Sige na nga ito na!" Sabi ko para tumigil na siya

"I love you too Marco"

"Love you more" Sagot naman niya

AAAA BAT GANON?! BAT KINIKILIG PA RIN AKO?! Kalirea kalma ka lang. Kalma self. Si Marco lang yan. Kaso si Marco nga yan! Paano ako kakalma?!

Pinakawalan na niya ako at hindi pa rin ako makagalaw. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.

"Nasaan na nga pala yung natalsikan ng mantika? Patingin ako" Sabi ko sa kanya, bigla siyang ngumiti at tinignan ang kanyang mga daliri.

"Joke lang yun, gusto lang kitang yakapin" Sabi niya

"Marco!" Sigaw ko sa kanya at pinagpapalo siya sa kanyang braso

Kahit kelan talaga!

"Sorry na! Ow! Masakit! Tama na!" Sigaw naman niya but he deserve it! Pinagaalala pa niya ako.

Biglang tumunog ang doorbell, at sabay kaming napalingon sa pinto.

"Nandito na siguro sila" Sabi ko at nagpunta palabas para buksan ang gate.

Paglabas ko ay nandito na nga silang lahat. Sila Esran, Melo, Alystra, Eleven, Neivan, Iron, Crystal, Larkin, Nich, Alissa, Yna, Blast at ang girlfriend niyang si Gianna.

Inimbitahan silang lahat ni Marco sa bahay, house party daw. Ewan ko ba kung anong naisipan ng lalaking yun.

Marco and I are living together at the same house. Which we bought together with our own money. Ayoko na kasi tumira sa condo at ito namang sila Marco ay sinusundan ako kung nasaan ako. Sobrang clingy niya sa akin simula nung bumalik ako. Ayaw kasi siya na bigla na naman daw akong mawala.

Mahal nga kasi kitaWhere stories live. Discover now