43

236 6 1
                                    

Chapter 43: The life without her

Marco Valeron's Point of view

"Marco! Paki-assist nga yung nurse sa room 53, nagwawala daw yung patient!" Utos sa akin ng aking senior, agad agad naman akong tumakbo papunta sa ward at nasa labas pa lamang ako ng kwarto ay rinig ko na ang sigaw ng isang lalaki.

Agad akong pumasok sa loob, takot na takot ang nurse dahil nga malakas na sumisigaw ang matandang lalaki.

"Nasaan ang anak ko?! Nasaan siya?!" Sigaw pa ng lalaki

Sinenyasan ko ang nurse na lumayo sa matanda. Ako naman ay lumapit sa matandang lalaki.

"Sir...kumalma po tayo" mahinahon kong sinabi sa matanda

"Paano ako kakalma?! Kelangan ko makita ang anak ko!" Sigaw pa muli ng matanda

"Sir, makikita niyo rin po ang anak niyo. Kumalma po muna tayo" sabi ko naman

Maya maya lang ay dumating na ang attenting phycisian ng matanda kasama ang iba pang mga nurse. They took a tranquilizer and injected it to the old man. Seconds later, the man calmed down and nakatulog din.

Nang mapatingin ako sa aking orasan ay nakitang 6:30 PM na pala. Minsan ay hindi na ako nakakauwi dahil maraming trabaho dito sa hospital. Overworked na nga kami dito eh, pero hindi naman kami nagrereklamo.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita ang tawag ni Esran. Sinagot ko iyon.

"Marco! Ipapaalala ko lang sayo, 7 pm po ang reunion natin! Pupunta ka ba talaga? Kaso halos lahat kami nandito na!" Sigaw sa akin ni Esran kaya naman ay nailayo ko ang phone sa aking tenga

"Pwede bang wag kang sumigaw sa akin? Pupunta nga ako diba? Abby will cover for my shift" sagot ko

"Siguraduhin mo Marco, last year hindi ka pumunta sa reunion kasi busy ka sa exams. Ikaw lang ang kulang dito...at si Lira."

"Oo na, pupunta na ako." Sagot ko naman at binaba ang tawag.

It's been a while since I've heard that name. Everyone's been reluctant to say her name because it might make me uncomfortable. But it didn't really bother me. It's been 3 years now.

3 years since she left without notice. 3 years since that happened. 3 years since her promise. 3 years and I'm still waiting.

Nagpaalam na muna ako sa mga seniors ko at nagpunta sa parking lot. Sa restaurant nila Melo gaganapin ang aming yearly reunion. Ever since Kalirea left, we started doing the yearly reunion. Taon taon kasing umuuwi sila Crystal, Larkin at si Esran at shempre may dala dala sila Crystal na pasalubong galing sa korea at pasalubong naman galing Japan ang dala ni Esran. Nagaaral kasi si Esran ng animation sa Japan.

Ang daming nagbago at nangyare simula nang umalis si Kalirea. Lalo na kela Crystal at Larkin, pero mamaya na iyon.

Nang makarating ako sa restaurant ay nakita ko na agad ang nakaparadang sports car ni Larkin. 7:30 na rin nang makarating ako. Ako nang siguro ang wala.

Pumasok ako sa loob at nagpunta sa private table namin, na ginagamit lang ng restaurant for events.

"Oy! Marco! Buti naman pumunta ka!" Bati sa akin ni Crystal. Nagulat ako nang makita kong kulay purple na ang tips ng buhok niya, nagpaiksi rin ito ng buhok at kulot na ang kanyang buhok

"Wow naman! Si Crystal ba to?!"

"Makapagsalita naman to!" Sigaw sa akin ni Crystal

Nakipagfist bump ako kela Larkin at sa mga lalaki. Ningitian ko na lamang ang mga babae.

Mahal nga kasi kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon